Sunday, March 12, 2017

Tiyaga

TIYAGA
ni Vanessa Joy Cruz

Sa isang malayo at mapayapang bayan ay may isang batang babae na angngangalang Joy. Si Joy ay mabait,maganda,masipag,at matalino ngunit siya ay nag iisa lamang dahil ang kanyang mga magulang ay namatay sa isang aksidente at kanyang tiyahing si aling lusila lamang ang kanyang kasama sa kanilang bahay ,ngunit ang kanyang tiyahin ay mataray,bungangera,mapanlait at lagi nyang sinasaktan si joy kung may mga mali siyang nagagawa.Isang araw habang naglalaba si joy.,ano ba Joy!Hindi ka pa ba tapos diyan?ang bagal mo naman at hindi ka pa nakaluto!Nagugutom na ako, bilisan mo.’ani ng kanyang tiyahin.
Opo anti binibilisan ko na po!hintayin niyo na lang po ako”sabi ni Joy habang binibilisan ang kanyang paglalaba.Alam mong gutom na gutom na ako tapos pinagaantay mo ako,kahit kailan ang kupad kupad mo”sabi niya sabay sabunot kay Joy.Tama na po anti!pasensya na po eto na po magluluto na ako sabi ni Joy.Aba dapat lang kasi siya lang naman pinapalamon ko sayo sabi ng kanyang tiyahin sabay bitaw sa buhok nya.
        Lumipas ang dalawang taon.hindi pa rin nagbabago ang kayang tiyan, lagi niyang sinasaktan si joy. Minsan habang nagluluto si joy hindi namalayan na nasusunog na pala ang kanyang niluluto.
“ano ba yan joy nasusunog na ang iyong niluluto” at dali daling pinatay ngkanyang tiyahin.
“ano ba?gusto mo bang sunugin ang aking pamamahay wala kana bang ibang gawin kundi perwisyo sabuhay ko at manira ng mga ng mga gamit, sawang sawa na ak0 sa pinaggagawa mo sa buhay ko. Sabay s bunot kay joy.Sorry potiya’’.Naghuhugas po kasi ako ng mga plato.Hindi ko po sinasadya pasensya na talaga –ani ni joy.
hmmmm.Pasensiya. Matagal na kong nagpapasensiya sayo.Sawang sawa  na ako kaya ngayon lumayas ka sa pamamahay ko’’-ani ng kanyang tiyahin.
Walang nagawa si Joy kundi lumayas habang umiiyak.Kahit na labag sa kanyang loob.
Habang naglalakad si Joy nagiisip siya kung saan siya pupunta pero walang maisip kaya nagpatuloy nalang siya sa paglalakad hanggang sa mapahinto siya sa isang puno at nagpahinga muna siya dahil pagod na pagod na at nagugutom pa.Pero habang nagpapahinga si Joy ay bigla nalang siyang nakatulog dahil sa pagod.
Umaga na pala ng magising si Joy kaya naman pinagpatuloy ang kaniyang paglalakad. Habang naglalakad si Joy may nakita siyang matandang babae kaso muntikan ng mabangga kaya tinulungan niya ito.
“ok lang po ba kayo lola?nasaktan po ba kayo? Sabi ni Joy.
“ok lang ako. Salamat ineng kaso mukang nabalian ata tong kanang paa ko kasi hindi ko maigalaw pwede mo ba akong tulungan at ihatid sa aking bahay” sabi ng matanda.
“opo sige po lola! Wala pong anuman, saan po ba ang bahay niyo at ihahatid kpo kayo”sabi ni Joy.
“Dun lang sa kabilang kanto ineng”wika ng matanda.
Kaya naman inalalayan ni Joy ang matanda at habang naglalakad ay nagkukwentuhan sila hanggang sa makarting sila sa bahay ng matanda.
“dito ka muna ineng” ani ng matanda.
“Hah! Sige po lola”ani ni Joy.
Lola magisa niyo po ba dito saan po yung mga anak niyo? Tanong ni Joy.
“Ayy! Oo magisa ko lang dito,yung mga anak ko wala na may kanya-kanya na silang mga pamilya.” Ani ng mga matanda.
“Ah ganun po ba” ani ni Joy.
“Ehh! Ikaw neng bat ka naglalakad sa kalsada ng mag-isa?Asan ang mga magulang mo? At ano nga pala ang pangalan mo?” ani ng matanda.
“ako nga pala si Joy,pinalayas po kasi ako ako ng tiyahin ko at ang mga magulang ko ay patay na po” sabi ni Joy at mukhang papatak na ang kanyang luha.
‘Ahhh! Ganun ba pasensiya kana.Pero kung gusto mo pwede kang tumira dito sa bahay ko.Mag isa naman ako sa bahay ko para may makasama narin ako.’ –Ani ni Joy
“Ayy nga pala.Ako nga pala si lola Melda o di kaya tawagin mo nalang akong lola Mel.” –ani ng matanda.
Salamat po lola Mel tatanawin ko pong utang na loob to”-sabi ni Joy

     At doon na nagsimula ang bagong buhay ni Joy.Siya’y ipinasok ni lola Mel sa isang paaralan upang makapag aral,at lalo pang naging masipag at mabait si Joy. Kaya naman nasiyahan si Lola Mel dahil lahat ng gawaing bahay ay ginagawa ni Joy bago siya pumasok sa paaralan .At ang kanyang mga marka sa paaralan ay matatas kaya naman nung nalaman ng mga anak ni lola Mel ang tungkol kay Joy.Kaya naman tinulungan nila si Joy sa kanyang pag aaral at ganun din naman ang ginawa ni Joy kanyang sarili tinulungan na niya ito upang mas mataas pa ang kanyang marka hanggang sa makagraduate si Joy ng highschool  ay kabilang sa mga TOP STUDENT.
At nung nakatungtong na sa KOLEHIYO si Joy siyempre ganun parin siya hindi nagbabago kaya naman natutuwa si lola Mel sat hanggang sa makakatapos siya ng kolehiyo at napasa niya ang kanyang kurso na guro.Kaya naman masayang-masaya si lola Mel.
‘’Joy CONGRATULATION ang galing mo proud ako sayo’’- sabi ng matanda.
‘’Salamat lola kung hindi dahil sa inyo hindi ako makakatapos ng pag aaral ko. Kayo po ang siyang tumulong sakin kaya para sainyo po to’’-sabi ni Joy
‘’walang anuman’’-sabi ni lola
At hanggang sa nakahanap ng trabaho ay tinulungan siya ng mga anak ni lola Mel hanggang sa umasenso at naging mayaman si Joy dahil sa kanyan tiaga at kung may nangangailangan ng tulong niya agad na tumutulog si Joy.

                                           Tiwala
ni Vanessa Joy Cruz

Ang pagtitiwalay mayroong hangganan
Na parang dagat na may dalampasigan
Parang isang relasyon na may hanggan
Kaya dapat tunay na pahalagahan

Kung ang tiwala ay biglang ibinigay
Baka mapahamak sa daan ng buhay
Ang mga masasayang ala alang tunay
Upang makilala kung ano ang kulay

Hindi lang isang malaking karangalan
Na dapat ito'y ating pahalagahan
Ano mang tagalay ang yong kaalaman
Na dapat nating ito'y atin ng patunayan

Bawat isa ati'y biniyayaan
Ang mga kakayahan at pamamaraan
Pahalagahan dahil ito'y kayamanan
Tiwala sa sarili at sa kakayahan



                                                      


Nawasak Na Pag Ibig
ni Vanessa Joy Cruz

Panahong masaya tayong dalawa
Ang mga puso'y tumatalon sating ligaya
Pangakong walang iwanan sa ating dalawa
Ikaw at ako tayo'y pinagtagpo

Pero lungkot ang siyang natamo sayo
Ika'y nakipaghiwalay at lumayo
Lahat ng mga pangako ay napako
Nawala parang bula,biglang naglaho

Umasa pa man ako sa sinabi mo
Na ang pag ibig mo ay di magbabago
Akala ko'y tayo na ang hanggang sa dulo
Pero hanggang akala na lang pala to

Tuwing naiisip kong wala ka na
Ko'y nasasaktan at nahihirapan pa
Dahil ikaw pa rin ang mahal ko pa
Sana makalimot na ko sa iyo.


            

No comments:

Post a Comment