Friday, March 10, 2017

Ang Sukli ng Kalikasan


               ANG SUKLI NG KALIKASAN
                                                    ni: Gerrymae Pabon
            Noong unang panahon ang mga bundok sa bayan ng Abra ay may luntiang kulay at maraming iba’t-ibang uri ng hayop ang mga tao’y namumuhay ng masagana. Isa na rito si Mang Diego.
Si Mang Diego ay magsasaka at bawat ani niya’y labis-labis kaya’t ang iba’y binebenta niya upang panggastos sa pamilya. Sa tabi ng bundok ay nandoon ang mataba niyang sakahan. Isang araw si Mang Diego ay sumakay sa kanyang kalabaw. Sa daan habang nakasakay, inaliw niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagpipito.
Narating na ni Mang Diego ang kanyang palayan. Habang inaayos niya ang pilapil may narining siyang ungol ng makina. Dininig niyang mabuti kung ang makina ba ay kanyang patubig subalit ito’y nag mumula sa gitna ng bundok. Tumigil si Mang Diego sa trabaho at pinuntahan niya ito. Pagdating sa tuktok, nakita niya ang mga malalaking pang hukay yun pala’y nagmimina na ang mga tao dito ay sinubukan niyang pigilan ang mga ito.Ngunit nabigo siya dahil mismo ang kanilang mayor ang utos nito. Umuwi si Mang Diego na may galit at may sama ng loob. Kinabukasan, siya ay pumunta sa Brgy. Captain. Subalit sinabi ng kanyang kapitan, “wag ka na lang makialam dito Diego at papartehan na lamang namin kayo pag may nakuha kami. Sumagot si Mang Diego “Masisisra ang bundok at ang hanap-buhay ng mga katulad ko. Tumagal ang panahon at dumating ang malakas na bagyo. Hindi kinayanan ng bundok ang ulan at gumuho ang lupa. Ang sakahan ni Mang Diego ay natabunan ng lupa at walang ibang sisisishin kundi ang Mayor at ang ibang kasapi
                                         
                                       .Nung Kapanahunan Ko Pa
ni:Gerrymae Pabon

Sa simula pa lang ay alam kong siya na,
Ang maging kasama sa lungkot at saya.
Tanda ko pa nang nililigawan ko pa siya,
Ramdam ko ang sobrang takot at may hiya.

Balakid sa akin ang ama’t ina,
Kaya’t sintunado kung awitan ka.
Ako’y bumabato sa kaniyang bintana,
Kapag ang bantay niya’y tulog na tulog na.

Upang ako ay magpaalam na sinta,
Pero puso mo ay tumitibok ng bigla.
At kami’y dalawa’y nanunumpat nangako,
Sa harap ng Diyos at sa harap ng madaming tao.


Manloloko
ni:Gerrymae Pabon

Lhat ng gusto mo’y aking binibigay,
At bawat oras ako’y iyong kaakbay.
Sabi ako ay tangi mong karamay,
Ngunit ako’y binura sayong buhay.

Bakit ako’y iyong lubos na sinaktan,
Minahal kita’t aking inalagaan,
Para kang chobibo paikot-ikot,
Dika titigil kahit may malungkot.
Puso mo’y parang rehas maraming laman,
Siguro pangarap mong maging bayaran.





No comments:

Post a Comment