Friday, March 10, 2017

Alaala

                                                      Alaala
                                                                                       ni Rochelle Torres

        Sa isang bahay na napapalibutan ng makukulay at magagandang bulaklak,nakatira dito ang pamilya Alcantara ang mag asawang si Mang Pepe at Aling Marie silay mapagmahal at maalaga sa mga anak na babae,siya ay mabait at mapagmahal ganun din si Andrea.Habang ang pamilya Alcantara salo salong kumakain ng almusal sa hapagkainan may pangaral na binabanggit ang kanilang inay .Mga anak mag aral kayo ng mabuti wag kayong tumulad sa amin na di nakapagtapos ng manlang kayo,wika ni Aling Marie.Tahimik na dinidinig ni Ana ang mga salitang pinapangaral ng kanilang magulang na hinding hindi niya malilimutan magpakailanman napagtanto niya sa kanyang sarili na sadyang mabait at mapagmahal ang kanilang magulang”opo inay at itay.Mag aaral kaming mabuti upang makaahon tayo sa hirap at para di na rin kayo magtrabaho,tugon ni Ana.
Ilang minuto tapos na silang kumain ng pang almusal, napagpasyahan nang magkapatid na pumasok na ng school, at pagdating sa school naghiwalay ng daanan ang dalawa. At habang naglalakad si anna, may bumunggo sa kanya na lalaki. At siya ay si Dylan gawapo at malakas ang dating.. di na lamang pinansin ni Anna ang lalaki at walang kibong umalis papunta sa kanilang room!! Makalipas ang ilang oras uwian na nila!!
Pagdating ni Anna sa kanilang bahay! Naalala niya ang masasayang araw na magkasama silang buong pamilya sa tuwing naalala niya ito napapangiti siya at nanlalambot ang kanyang puso!
(kinabukasan, Saturday habang naglilinis si anna sa kanilang bahay)
“ate anong kukunin mong kurso pagkatapos kana sa high school?? Tanong ng kanyang kapatid. “hmmm… ang pangarap ko ay maging isang doctor. “Para makaahon tayo sa hirap at para maalagaan ng maayos si inay at itay.” Tugon ni Anna. “gusto ko ring maging isang doctor ate gaya mo” sumbat  ni Andrea. “ Ikaw bahala bunso”wika ni Anna sabay yakap sa kapatid.
Kinagabihan, dumating na ang kanilang nanay, sina Mang Pepe at aling Marie! Agad namang nagmano ang dalawang magkapatid. Habang salo-salo silang kumakain. “oh mga anak kamusta ang pag-aaral niyo?” tanong  ng mag-asawa. Napangiti naman ang dalawa at sabay sumbat ng “ayos lang po” ngumiti naman ang mag-asawa. At kumain na.
Nagpasalamat ang mag-asawa pagkat nabiyayaan sila ng mababait at mapagmahal na anak. Then nagpasya na si Aling Marie na maghugas ng pinagkainang plato. Habang naghuhugas ng plato ang matanda biglang sumakit at kumirot ang kanyang puso. At bigla na lamang napahandusay sa sahig ang matanda. At ng narinig ni Mang Pepe at ng dalawang magkapatid ang bulabog sa kusina. Agad silang tumakbo, at nagulat sila ng makita ang matanda na nakahandusay sa sahig agad na lumapit si Mang Pepe. At ang dalawa naman ay agad na humingi ng tulong sa kapit bahay upang itakbo sa hospital ang kanilang ina.
Sa hospital.. habang gingamot si Aling Marie, si Mang Pepe ay nagdadasal na sana gumaling ang kanyang asawa.  At ang dalawa namang magkaptid ay humahagulgol sa iyak! At ng lumabas na ang doctor. Agad silang lumapit. “Dok! Dok! Kamusta naman ang asawa ko!” tanong ni Mang Pepe. “pasensya na, ginawa  na namin ang lahat para gumaling siya ngunit wala ng talagang pag-asa.” Wika ng doctor at lumakad na palayo. Agad naman silang pumasok  ngunit nadatnan nilang nanghihina nang sobra ang matanda. At kanya na lamang nabanggit ay “mahal na mahal ko kayo, mag-aral kayong mabuti!!




Bayani sa ating Bansa
ni:Rochelle Torres


Ang bayaning trulad ni Gat. Jose Rizal,
Siya’y di nakita’t labis na minahal.
Karunungan niya’y hindi mapantayan,
Nangungunang lagi sa bawat larangan.

Gayang nasawi na ngang dahil sa bayan,
Ano’t hanggang ngayon ay di-malimutan.
Pilit tinutuklas ang kanilang bahay,
Hanggang kilalanin nitong kasaysayan.

Andres Bonifacio,bayang mahirap,
Sa lungsod Maynila’y dinakilang ganap.
Itong katipunan natapos itatag,
Diwang Pilipino’y sumigla’t namula’.

Mga Matatag na Bayani
ni:Rochelle Torres

Maraming bayani ang bumabandila,
At napatampok dito sa ating bansa.
May mamamahayag,sundalo’t makata,
Doktor,abogado’t pintor na dakila.

Yamang binanasagan ang dakilang lumpo,
Diwa ni Mabini’y hindi naigupo.
Kinilala paring utak na totoo,
Nitong himagsikan hindi nagpatalo.

Bayaning ito dapat sinasaludo,
Iilan nalang sila sa ating mundo.
Kaya dapat lang ating ipagmalaki,
Isang bayani kagaya ni Mabini.

No comments:

Post a Comment