Friday, March 10, 2017

Ang Batang Pasaway


Ang Batang Pasaway
                                               
 ni: Ric J Gannaban
       
      Noong unang panahon may isang batang nagngangalang Jhosua na napakatigas ang ulo at hindi marunong gumalang sa magulang at iba pang tao.Lagi siyang pinapagalitan na kanyang ina dahil ubod ng pasaway .Anak pagbili mo nga ako ng makakain at ako'y magsasaing na wika ng kanyang ina ngunit umimik si Jhosua at umalis na lang.Hirap na hirap ang kanyang mga magulang na magtrabaho upang makapag aral lamang siya.Si Jhosua ay hindi pumapasok sa paaralan kapag walang baon na binibigay"Anak wala muna akong maibibigay sayong baon wala pa kasing sweldo ang iyong ama total malapit lang naman ang paaralan sa ating bahay."wika ng kanyang ina.Ayokong pumasok kung walang pera "sambit ni Jhosua.Nawawalan na ng ganang pag-aralin ang kanyang anak dahil halos araw araw ay naipapatawag siya sa paaralan dahil sa kalokohan ng kanyang anak pati ang kanyang guro na si Ms.Reyes ay inis na inis din sa pag-uugali ni jhosua.Jhosua di na kakatuwa ang pinaggagawa ma sa iyong mga kapwa kamag-aral sabi ng kanyang guro.Pag-uwi ng bahay daretso na agad siya sa palaruan upang maglaro imbes na tumulong sa gawaing bahay.Lingid sa kaalaman ni jhosua na may iniindang sakit ang kanyang ina. Anak pagigib mo nga ako ng tubig at  hugasan ang mga pinggan sabi ng kanyang ina ngunit matigas ang ulo niya at umalis ng bahay.Di niya pinakinggan ang utos ng kanyang ina,nagkusa ang kanyang ina na gawin ang mga iyon. Pagod na pagod na si jhosua na makipaglaro.brad uwi na ako pagod na ako at kailangan ko ng kumain dahil  gutom na gutom na gutom ako sabi ni jhosua sa kanyang kaibigan na sina kram at niwrad. Habang naglalakad pauwi ng makita niyang maraming tao sa kanilang bahay. Ano kaya ang  nangyayari sa bahay naminang alam ko wala nami ng okasyon ngayonn sa bahay tanung ni jhosua sa sarili .Dali-daling lumakad si jhosua upang tignan ang nangyayari sa kanilang bahay.Ng makarating na siya sa kanilang bahay. Nakahandusay ang kanyang ina at nakapatong ang ulo sa hita ng kanyang ama at wala ng hininga.Sa pangyayaring iyon  napagtanto ni jhosua ang lahat ng kanyang kamalian ngunit huli na ang lahat para magsisi wala  na ang kanyang ina na walang sawang nagngangaral sa kanya. Simula noon naging magalang at masipag na si jhosua,laking gulat ng kanyang ana sa pagbabago ni jhosua at hanga siya sa kanyang anak.
           


Ang Aking Pag Ibig
ni Ric J Gannaban

Sana lahat ng bagay ay meron ako
Bagay na mamahalin ako ng todo
Ngunit pano ko magagawa lahat to?
Kung sa huli ako yung pinili mo

Tama na kupido puso'y pinaglaro
Ang pagmamahal ay di lang basta biro
Bakit sa isip ko siyay gumugulo
Ang taong di man lang marunong sumalo

Isa lang naman ang pinapangarap ko
At yun ang mahalin mo ang katulad ko
Sa araw na sinabi kong mahal kita
Yun ang dahilan ng pag iwas mo sinta

Di akalaing akoy iwasan mo
Noong nalaman mong ikaw ang mahal ko
Sana kasi inilihim ko na lang ito
Para puso natin di na pinaglaro.

Pag Ibig Na Wagas
ni Ric J Gannaban

Ano pa ang dapat ko na ipaglaban
Sa bagay na walang kasigiraduhan
Kung wala naman itong patutunguhan
Itigil mo na ng di ka mahirapan

Subalit kung tunay ang nararamdaman
Dapat ipaglaban at wag pakawalan
Sapagkat ikaw ay malaking kawalan
Mamahalin ka at papahalagahan

Mahal na mahal kita at di iiwan
Gagawin ang lahat wag ka lang lumisan
Sapagkat ang dulo nito'y kalungkutan
Dahil ikaw lang ang aking kasiglahan

Mamahalin at hindi pababayaan
Ituturing kita bilang kamahalan
Nahuhumaling sa iyong kagandahan
Ikay aalagaan magpakailan man.

No comments:

Post a Comment