Sunday, March 12, 2017

Magkaibigan na Napunta Sa pag iibigan

Magkaibigan na Napunta sa Pag Iibigan
                       ni Mark Anthony Gabuyo

     Hoy gray kamusta ka na?Kamusta naman yang nirereview mo tapos kana na?Wika ni Mae sa kaibigan niyang si Gray.Eto okay naman actually patapos na ako tugon naman ni Gray kay Mae.Si Mae at Gray ay matagal ng magkaibigan.San man mapunta ang isa lagi silang magkasama sabay na pumasok sa paaralan sapagkat magkalapit lang sila ng bahay.Lingid sa kaalaman ni Gray may lihim na pagtingin Mae sa kanya.Isang araw habang naglalakad si Mae patungo sa bahay nila Gray sapagkat sabay silang papasok ng paaralan sa araw na iyon.Gray labas kana late na tayo pasigaw na wika ni Mae.Aba Mae ikaw pla pasok ka muna sa bahay naliligo pa lang kasi itong kaibigan mo tugon ng mama ni Gray.Kamusta na pala ang mama mo.Okay lang naman tita sambit ni Mae.

     Habang silay nakasakay papunta ng paaralan nagkwekwentuhan ang dalawa.Gray balita ko may nililigawan ka sa inyong room pabirong sabi ni Mae.Naku!Wala no?Mag aaral muna ako patawang sumbat ni Gray sa kanyang kaibigan.Nagbibiruan ang dalawa hanggang silay nakarating.Sabay pumasok ang dalawa sabay mag recess sabay kumain at sabay ding umuuwi alam pa ng lahat sa kanilang room ay mag jowa ang dalawa.Si Gray ay matikas ,maputi,gwapo,matangkad,matalino,magaling maglaro ng basketball na siyang MVP ng kanilang paaralan at bukod sa lahat mabait siya na hindi na nakapagtatakang maraming nagkakagusto sa binata.
Habang abala ang lahat sa paghahanda sa aktibidad sa kanilang paaralan.Habang tumutulong sa paggupit sa mga kakailanganin nila sa kanilang pagtatanghal sa raw na iyon ng biglang nagtanong ng guro ni gray,Gray ano ba ang gusto mo sa isang babae?Kasi ang daming may nagkakagusto sayo pero parang wala kang napupusuan ?Ahh basta maam yuung matured mag isip,may takot sa Diyos,at syempre mabait po sambit ni Gray.Agad naman kinilig ang mga kababaihan na nakarinig sa sinabi ni Gray .Hoyy Mae kanina pa kita tinatawag nakatulala ka tara uwi na tayosambit ni Gray kay Mae.
Sa paglipas ng araw hindi na kayang itago ni Mae ang nararamdaman niya sa kanyang kaibigan.Naisipan ni Mae na tawagan si Gray sa oras na yun ngunit nakapaty ang cellphone ng binata kaya naisipan niyang puntahan sa kanilang bahay pumunta daw si Gray sa kanyang mga kaibigan sapagkat wala silang pasok sa araw na iyon.Mula sa araw na iyon nagtampo si Mae sa kanyang kaibigan.Halos isang linggong di napansin at kinausp si Gray.Habang naglalakad papasok na ng paaralan si Gray ng makita niya si Mae na mag isang nakaupo sa gilid agad nilapitan ito ni Gray.
“Mae kamusta kana?Bakit di mo na ako dinadaanan sa bahay?Dika na sumasabay sa akin na kumain at sumabay umuwi?May nagawa ba ako?Malungkot na tanong ni Gray.Sa totoo lang Gray nagtatampo ako sa iyo alam mo sobrang busy mo sa mga barkada mo di na ako napapansin bilang isang kaibigan mo masakit para sakin yun?Sumbat ni Mae.
Sorry Mae hayaan mo wala akong gagawin sa sabado labas tayo ha?Okay pangiting sabi ni Mae?
Araw ng sabado maagang gumising si Mae sa kadahilanang may lakad sila ni Gray.Maaga ring nagbihis si Gray upang sunduin si Mae dahil nais niyang makabawi sa kanyang kaibigan.Pagkatapos niyang masundo si Mae ay agad ng punta ang magkaibigan sa kanilang pupuntahan.Masaya ang dalawa sa araw na iyon namasyal sila sa plaza kumain sa mang inasal at namili ng mga damit sa mall.Naisipan ni Mae na manuod sila ng sine ni Gray .Habang magkatabing nanunuod ang dalawa tinapik ni Mae ang balikat ni Gray .Gray may sasabihin sana ako .Ano naman yun importante ba?sabi ni Gray.
“OO gray alam kong magkaibigan tayo pero diko na kayang ilihim pa tong nararamdaman ko sayo gusto na kita gray matagal na nuon hindi ko masabi sayo kasi ayaw kong mareject sayo sa totoo lang nilakasan ko na ang loob ko para masabi ko lang tyo .Mae parang napakamadali naman ,pautal utal na sabi ni Gray.
     
         Sa totoo lang din Mae matagal na din kitang gusto simula pa lang kaso nahihiya lang kasi akong sabihin sayo kasi nga mag kaibigan tayo di namalayan ni Mae na napapaluha na pala sa tuwa.Hanggang sa pag uwi masayang masaya nagkwekwentuhan ang dalawa.Lumipas ang ilang buwan di nag tagal naging magkasintahan ang dating magkaibigan.


                                       
Pag Ibig Na Tapat
ni Mark Gabuyo

Ang pagmamahal ko sa iyo ay tapat
Pag ibig ko sayo lang nararapat
Pag ibig ko sayo di mo masusukat
Ikaw lang sa akin ang karapat dapat

Pag ibig ko sayo ay di matatapos
Kahit maraming dumating na unos
Pasensya ko sayo ay di mauubos
Ikaw lang sinta,pag ibig ko na lubos

Ikaw lang aking sinta ang aking buhay
Parang pag ibig niya na bukang liwayway
Pangako hindi tayo maghihiwalay
Basta't humawak ka lang sa aking kamay.









Pag Ibig Na Lubusan
ni Mark Gabuyo

Ikaw lang ang aking iibigin sinta
Noon ,ngayon,kailanman wala ng iba
Araw gabi ikaw ang nais makatabi
Ikaw ang kasama sa mga pighati

Pagmamahal ko ay hindi magbabago
Pagmamahal ko sayo di maglalaho
Subukin man tayo ng anumang bagyo
Pag ibig ko sayo ay di magbabago

Ikaw ang nais makasama sinta
Hirap at ginhawa ikaw ang kasama
Mananatili sa aking puso
Di ipagpapalit kahit sa mga ginto.





Tiyaga

TIYAGA
ni Vanessa Joy Cruz

Sa isang malayo at mapayapang bayan ay may isang batang babae na angngangalang Joy. Si Joy ay mabait,maganda,masipag,at matalino ngunit siya ay nag iisa lamang dahil ang kanyang mga magulang ay namatay sa isang aksidente at kanyang tiyahing si aling lusila lamang ang kanyang kasama sa kanilang bahay ,ngunit ang kanyang tiyahin ay mataray,bungangera,mapanlait at lagi nyang sinasaktan si joy kung may mga mali siyang nagagawa.Isang araw habang naglalaba si joy.,ano ba Joy!Hindi ka pa ba tapos diyan?ang bagal mo naman at hindi ka pa nakaluto!Nagugutom na ako, bilisan mo.’ani ng kanyang tiyahin.
Opo anti binibilisan ko na po!hintayin niyo na lang po ako”sabi ni Joy habang binibilisan ang kanyang paglalaba.Alam mong gutom na gutom na ako tapos pinagaantay mo ako,kahit kailan ang kupad kupad mo”sabi niya sabay sabunot kay Joy.Tama na po anti!pasensya na po eto na po magluluto na ako sabi ni Joy.Aba dapat lang kasi siya lang naman pinapalamon ko sayo sabi ng kanyang tiyahin sabay bitaw sa buhok nya.
        Lumipas ang dalawang taon.hindi pa rin nagbabago ang kayang tiyan, lagi niyang sinasaktan si joy. Minsan habang nagluluto si joy hindi namalayan na nasusunog na pala ang kanyang niluluto.
“ano ba yan joy nasusunog na ang iyong niluluto” at dali daling pinatay ngkanyang tiyahin.
“ano ba?gusto mo bang sunugin ang aking pamamahay wala kana bang ibang gawin kundi perwisyo sabuhay ko at manira ng mga ng mga gamit, sawang sawa na ak0 sa pinaggagawa mo sa buhay ko. Sabay s bunot kay joy.Sorry potiya’’.Naghuhugas po kasi ako ng mga plato.Hindi ko po sinasadya pasensya na talaga –ani ni joy.
hmmmm.Pasensiya. Matagal na kong nagpapasensiya sayo.Sawang sawa  na ako kaya ngayon lumayas ka sa pamamahay ko’’-ani ng kanyang tiyahin.
Walang nagawa si Joy kundi lumayas habang umiiyak.Kahit na labag sa kanyang loob.
Habang naglalakad si Joy nagiisip siya kung saan siya pupunta pero walang maisip kaya nagpatuloy nalang siya sa paglalakad hanggang sa mapahinto siya sa isang puno at nagpahinga muna siya dahil pagod na pagod na at nagugutom pa.Pero habang nagpapahinga si Joy ay bigla nalang siyang nakatulog dahil sa pagod.
Umaga na pala ng magising si Joy kaya naman pinagpatuloy ang kaniyang paglalakad. Habang naglalakad si Joy may nakita siyang matandang babae kaso muntikan ng mabangga kaya tinulungan niya ito.
“ok lang po ba kayo lola?nasaktan po ba kayo? Sabi ni Joy.
“ok lang ako. Salamat ineng kaso mukang nabalian ata tong kanang paa ko kasi hindi ko maigalaw pwede mo ba akong tulungan at ihatid sa aking bahay” sabi ng matanda.
“opo sige po lola! Wala pong anuman, saan po ba ang bahay niyo at ihahatid kpo kayo”sabi ni Joy.
“Dun lang sa kabilang kanto ineng”wika ng matanda.
Kaya naman inalalayan ni Joy ang matanda at habang naglalakad ay nagkukwentuhan sila hanggang sa makarting sila sa bahay ng matanda.
“dito ka muna ineng” ani ng matanda.
“Hah! Sige po lola”ani ni Joy.
Lola magisa niyo po ba dito saan po yung mga anak niyo? Tanong ni Joy.
“Ayy! Oo magisa ko lang dito,yung mga anak ko wala na may kanya-kanya na silang mga pamilya.” Ani ng mga matanda.
“Ah ganun po ba” ani ni Joy.
“Ehh! Ikaw neng bat ka naglalakad sa kalsada ng mag-isa?Asan ang mga magulang mo? At ano nga pala ang pangalan mo?” ani ng matanda.
“ako nga pala si Joy,pinalayas po kasi ako ako ng tiyahin ko at ang mga magulang ko ay patay na po” sabi ni Joy at mukhang papatak na ang kanyang luha.
‘Ahhh! Ganun ba pasensiya kana.Pero kung gusto mo pwede kang tumira dito sa bahay ko.Mag isa naman ako sa bahay ko para may makasama narin ako.’ –Ani ni Joy
“Ayy nga pala.Ako nga pala si lola Melda o di kaya tawagin mo nalang akong lola Mel.” –ani ng matanda.
Salamat po lola Mel tatanawin ko pong utang na loob to”-sabi ni Joy

     At doon na nagsimula ang bagong buhay ni Joy.Siya’y ipinasok ni lola Mel sa isang paaralan upang makapag aral,at lalo pang naging masipag at mabait si Joy. Kaya naman nasiyahan si Lola Mel dahil lahat ng gawaing bahay ay ginagawa ni Joy bago siya pumasok sa paaralan .At ang kanyang mga marka sa paaralan ay matatas kaya naman nung nalaman ng mga anak ni lola Mel ang tungkol kay Joy.Kaya naman tinulungan nila si Joy sa kanyang pag aaral at ganun din naman ang ginawa ni Joy kanyang sarili tinulungan na niya ito upang mas mataas pa ang kanyang marka hanggang sa makagraduate si Joy ng highschool  ay kabilang sa mga TOP STUDENT.
At nung nakatungtong na sa KOLEHIYO si Joy siyempre ganun parin siya hindi nagbabago kaya naman natutuwa si lola Mel sat hanggang sa makakatapos siya ng kolehiyo at napasa niya ang kanyang kurso na guro.Kaya naman masayang-masaya si lola Mel.
‘’Joy CONGRATULATION ang galing mo proud ako sayo’’- sabi ng matanda.
‘’Salamat lola kung hindi dahil sa inyo hindi ako makakatapos ng pag aaral ko. Kayo po ang siyang tumulong sakin kaya para sainyo po to’’-sabi ni Joy
‘’walang anuman’’-sabi ni lola
At hanggang sa nakahanap ng trabaho ay tinulungan siya ng mga anak ni lola Mel hanggang sa umasenso at naging mayaman si Joy dahil sa kanyan tiaga at kung may nangangailangan ng tulong niya agad na tumutulog si Joy.

                                           Tiwala
ni Vanessa Joy Cruz

Ang pagtitiwalay mayroong hangganan
Na parang dagat na may dalampasigan
Parang isang relasyon na may hanggan
Kaya dapat tunay na pahalagahan

Kung ang tiwala ay biglang ibinigay
Baka mapahamak sa daan ng buhay
Ang mga masasayang ala alang tunay
Upang makilala kung ano ang kulay

Hindi lang isang malaking karangalan
Na dapat ito'y ating pahalagahan
Ano mang tagalay ang yong kaalaman
Na dapat nating ito'y atin ng patunayan

Bawat isa ati'y biniyayaan
Ang mga kakayahan at pamamaraan
Pahalagahan dahil ito'y kayamanan
Tiwala sa sarili at sa kakayahan



                                                      


Nawasak Na Pag Ibig
ni Vanessa Joy Cruz

Panahong masaya tayong dalawa
Ang mga puso'y tumatalon sating ligaya
Pangakong walang iwanan sa ating dalawa
Ikaw at ako tayo'y pinagtagpo

Pero lungkot ang siyang natamo sayo
Ika'y nakipaghiwalay at lumayo
Lahat ng mga pangako ay napako
Nawala parang bula,biglang naglaho

Umasa pa man ako sa sinabi mo
Na ang pag ibig mo ay di magbabago
Akala ko'y tayo na ang hanggang sa dulo
Pero hanggang akala na lang pala to

Tuwing naiisip kong wala ka na
Ko'y nasasaktan at nahihirapan pa
Dahil ikaw pa rin ang mahal ko pa
Sana makalimot na ko sa iyo.


            

Taksil na Kaibigan

TAKSIL NA KAIBIGAN
                    ni:katherine galicia

         Hindi lahat ng bagay may patutunguhan, at hindi lahat ng tao mapagkakatiwalaan minsan may mga taong na katabi mo na’t kaibigan mo pa pero pagnakatalikod ka inaahas ka na pala.

Sa bayan ng Maria Clara may nakatirang pamilya, at ito ang pamilyang Mendoza sila’y may nagiisang anak na babae ito’y maganda, matalino, sabi nila nsa kanya na ang lahat dahil sa angkin niyang kakaiba siya ay lumaki sa probinsiya kaya’t may mga bagay na nakasanayan na niya.. Sa kanyang pagdadalaga maraming problema ang kanyang nakaharap. Kaya’t napagpasiyahan ng kanyang magulang na pag-aralin siya sa Manila, para matakasan niya ang mga problemang kinakaharap nila.
Mang Fernan: “anak doon kana muna sa iyong tiyo sa Manila, at doon mo ipagpatuloy ang iyong pag-aaral”
Ally: pero ama, may problema tayong kinakaharap at alam kong kailangan niyo ng tulong ko.
Ginang Ella: Anak hindi mo kailangan na mapangasawa ang lalaking iyon, mas mabuting mawala na lang ang lupa kaysa mapangasawa mo ang lalaking iyon. Dahil lupa lang iyon anak, kaya dun kana muna sa tiyo mo.
Ally: sige po kung ganyan ang pasiya niyo, bukas na bukas din luluwas na ako ng Manila para ipagpatuloy ang aking pag-aaral ko.
Kinabukasan nga si Ally ay lumuwas na ng Manila at ipinagpatuloy ang pag-aaral. Sa tagal ng pamamalagi niya sa Manila, may nakilala siyang babaeng maganda at kaniyang naging kaibigan, sila’y palaging magkasama sa hirap at ginhawa, kaya itinuring nila ang isa’t isa na parang magkapatid.
Hannah: Ally si Edward pala kaibigan ng boyfriend ko.
Edward: HI Ally..
Ally: Hello
J
Ang akala ni Ally ay hindi magsisinungaling ang kanyang kaibigan, kaya pinagkatiwalaan niya ito. Pero makalipas ang ilang buwan ay nililigawan ni Edward si Ally.. at si Hannah naman ay nakipaghiwalay sa kanyang kasintahan, sa hindi malaman na dahilan. At hindi naglaon naging magkasintahan si Ally at Edward.
Pero itong si Hannah ay may balak sa kanyang kaibigan at yun ay balak niyang agawin ang kasintahan ni Ally. Gumawa ito ng paraan para sila’y mapaghiwalay, at ito’y nagwagi
Sinabi ni Hannah kay Edward na may asawa na si Ally sa probinsya kaya sila’y naghiwalay.
Ally: taksil na kaibigan hindi ka totoo, tinurinng kitang kapatid, pero anong ginawa mo siniraan mo ako!!!
Hannah: Ginawa ko lang ang dapat dahil matagal ko ng mahal si Edward pero dumtating ka, nasayo lang lagi ang atensyon niya!! Kaya magkalimutan na tayo, hindi na kita kaibigan simula ngayon!!...
Umiyak ng umiyak si Ally dahil sa ginawa ng kaniyang kaibigan, pinagkatiwalaan niya ito at tinuring na kaibigan. Kaya’t siya ay nag-aral ng mabuti at hindi naglaon siya ay nakagraduate sa kursong HRM. Nakalipas ang ilang maraming taon siya’y nakapagpatayo ng kaniyan sariling bussiness. Pero naalala niya lagi ang kanyang matalik na kaibigan at sinabi niya sa lkanyang isip “ tatanggapin ko pa rin siya as kaibigan”
Di Nagpaalam
ni Katherine Galicia

Unang araw ako’y nasa eskwelahan,
Diko nakita ako’y ‘yong tinabihan.
Ngumingiti pag ‘kay nakatingin sakin,
Di mo lang alam ‘koy kinikilig din.

Sa school nakasama’t nakilala,
Noon classmate kita ngayon ay hindi na.
Lahat ng ala ala na kasama ka,
Ngayon ay nawala na na parang bula.

Pag lagi kitang kasama,laging masaya,
Sa pagmamahal mo’y laging busog sinta.
Ngunit ngayo’y ika’y abala nalang,
Hindi nagpaalam at iniwan nalang.
Ako ngayon ay hinahanap-hanap ka,
Di ka man lang nagpaalam sa akin sinta.
Kaya ako ngayo’y nangungulila na,
San ka na sinta, mahal na mahal kita.





Alaala Nalang
ni Katherine Galicia

Nung nakilala ka ako’y pinalaya,
Lungkot ko’y naglalaho pag ‘kay kasama.
Pag-ibig mo’y binubusog ako sinta.
Pag-aaruga’y di ka nagkulang sinta.

Pagbuhos ng ulan mata’y dinilat ko,
Ko’y nakatulog sa tabi ng puntod mo.
Pinagsamaha’y ala-ala nalang to,
Diko alam kung anong gagawin ko.

Sana’y kasi ako na laging masaya,
Sana kasi ako laging kasama ka.
Pinagsamahan nati’y alaala na,
Kaya ako ngayo’y nangungulila na.

                                                               

Ang Kwento ng Buhay Ko

                           ANG KWENTO NG BUHAY KO
                                                                           ni:rheymond lorenzo


                    Ako si Jane H. Fabroa isinilang noong November 11, 1987 sa Matungao, Bulacan. Ako ay may kakambal ang kanyang pangalan ay Mary Jane H. Fabroa. Ang aking mga magulang  ay sina Teresita Garcia-Hernandez na isang taal na taga Bulacan at si Pebrito Cabanig Fabroa na isang taga Cebu.
Ako ay nagsimulang tumapak ng eskwelahan taong 1993 bilang isang kinder garten sa paaralan ng Matungao Elementary School. Matapos ang taong iyon 1994 kami ay lumipat ng tirahan sa Angeles, Pampanga doon kami nag-aral ng unang baitang hanggang sa ikalawang baitang sa kadahilanang ang aking ama ay nagtayo ng bussiness ngunit matapos malugi sa tinayong negosyo ng aking ama kami ay  muling bumalik sa Bulacan upang doon kami manirahang ulit. Kaya ng kami ay magikatlong baitang ay  bumalik sa Matungao Elementary School hanggang sa ikaanim na baitang. Nang kami ay nag High School sa Guiguinto National Vocational School kami ay ipinasok taong 2000. Di pa kami nakakatapos sa  ng High School nagkaroon na ng isang problema ang aming pamilya na humantong sa paghihiwalay ng aking mga magulang. Kaya sa panahong nag-aaral kami ng High School tanging ang ina ko na lang ang nagtratrabaho para sa amin. Ngunit kami ay napagtapos pa rin niya kami ng High School.
Sa panahong kami ay magkolehiyo nang magkakapatid batid ko na di kami kayang pag-aralin ng sabay ng aming ina sapagkat tanging hanap-buhay ng aking ina ay isang mananahi ng bag. Kaya ako na mismo na nagbigay ng daan sa aking kapatid na mauna siyang mag-aral sa akin ng kolehiyo. Kahit papano ay may isang makatapos sa aming magkakapatid. Kaya noong panahon na iyon kasama ako ng aking ina sa pananahi ng bag upang ipangtustos sa pag-aaral na aking kambal. Habang nag-aaral ang aking kambal ako ay inggit na inggit sa kanya ngunit wala naman akong magagawa kundi maghintay sa aking pagkakataon. Nagtapos aking kambal noong 2008 sa kursong Bachelor of Science Information Technology. Ang makatapos siya ng pag-aaral agad namang nakahanap ng mapsukang trabaho ang aking kambal kaya ako ay pinagpasiyahan niyang pag-aralin ng kolehiyo noong mga panahong iyon ay walang pagsidaln ang saya ko noon. Ako ay nag-aral ng kolehiyo noong 2009 sa kursong DIT Computer Technology. Makalipas ang dalawang taon ako ay nagpatuloy na mag-aral ng kolehiyo ngayon ako ay nasa ikatlong taon sa aking kursong kinuha. Oo mahirap mag-aral, nahihirapan ako ngunit kinaya sa kadahilanang na alam ko na kaya ko ito at may magandang kalalagyan ang taong marunong magtiyaga at maghintay sa buhay. Ito ang kwento ng aking buhay.

                                                                 


Wagas na Pag Ibig

                                            

                                            Wagas na Pag Ibig   
                                                                                            ni Ryan Umalia

                   Sa isang payapang luagar ng Tayabas sa lugar ng Sta Rosa Laguna ay may isang pamilya ang nakatira ang pamilyang Aguinaldo.Sina mang rey at aling marie sila may nag iisang anak na si Angge.Si Angge ay isang mabuting anak masipag at reponsable kaya naman sobrang proud na proud ang mga magulang nito sa kanya isang araw naisipan ng mag anak mamasyal sa lungsod at para makapagsimba at maipasyal ang kanilang anak na si Angge matapos ang maghapon na ngiti sa mga mukha ni Angge ang dala.Dahil sa sobtang enjoy nito sa kanyang pamamasyal dahil minsan minsan lang sila mamasyal kasama ang kanyang pamilya.
        
          Habang lumipas ang bawat segundo ,minuto,oras ,araw buwan at taon lalong nadidiskubre ang tunay na ganda ni Angge.Hindi maikakala na matatawag siyang diyosa dahilan narin ng taglay niyang kakaibang ganda.Ang buhay ni Angge ay simple lamang dahil pawing magsasaka lamang ang hanap buhay nila.Ang kakaibang ganda ni Angge ang nagdala sa kanya ng kakaibang mundo na kung saan malayo sa nakasanayang mundo.Isang umaga araw ng linggo ng maisipan ni Angge ang mamasyal kasama ang kanyang kaibigang si Joy ay nang maisipan ng dalawang dalaga ang mamasyal sa park at duon nakilala ni Angge si Jd na si Jd ay anak ng mayor sa kanilang lugar nila Angge.Nagkakilala ang dalawa at di nagtagal nanging matalik silang magkaibigan dahil naman sa taglay na ganda ni Angge ay di malayong lumalim ang pagtingin ni Jd sa kanya na higit pa sa magkaibigan kaya hindi nagtagal umakyat ng ligaw si Jd kay Angge sa bahay ng dalaga at pumayag ang dalaga dahil pati rin siya ay may lihim na pagtingin sa binata.


                                                         Ikaw Lang
                                                              ni Ryan Umalia

Buong buhay ko ikaw lang siyang tunay
Makakasama ko sa pang habang buhay
Mamahalin ko habang ako ay buhay
Sapagkat ako’y nagmahal ng tunay

Ikaw lang ang patunay sa aking buhay
Kung wala ka ako’y magpapakamatay
Dahil puso ko’y sayo lang nakabatay
Handa akong ialay aking tanging buhay

Pag ibig ko’y sayo ko lang iaalay
Kahit na ako ay humantong sa hukay
Ipaglalaban kita sa iyong nanay
Dahil mahal na mahal kitang tunay.


Three Couples

                                                    Three Couples 
                                                                       ni: Marvin Antonio
    
      Sa probinsya ng Isabela may tatlong magkakaibigan na sina Janjan,nic,at marvin.Sila ay may mga nililigawan na sina mich,dada,jhen,Silay todo effort para sa kanilang mga nililigawan para naman marealize nila ang effort mg tatlo.Silay nagsasabihan ng mga secreto.Silay palaging nagsasama at si Marvin ay sinagot na siya ng kanyang nililigawan na si Jhen at ika17 iyon ng december.Kaya naman ang saya saya naman ng kanyang dalawang kaibigan"paano yun tol sinagot na ako ni jhen"sabi ni marvin."Di congrats tol kung ganon"sabi naman ng dalawa"sana nga susunod na rin kaming dalawa"sabi ni nic"sana nga tol kung ganon"sabi na nga tol sabi ni janjan.At sa mga sumusunod na araw inaasahan pa rin ng dalawa na sasagutin rin sila.At sumapit ang Christmas party  nila marvin sa kanilang paaralan at pupunta naman sila nic at janjan para makita sina mitch at dada.Hindi alam ni marvin at janjan na sinagot na pala ni dada si nic s araw ng christmas program nila .At ika 20 iyon ng december at tsaka lang nalaman nila marvin at janjan ng natapos na ang Christmas program nila .At silay nagkita kita sa kanilang boarding at kinoggrats nila ang dalawa"thank you tol"sabi ni nic.At pagkatapos nun ay may pinuntahan sila janjan at hindi kasama ang dalawa.At nang araw na wala si janjan.Hindi alam ng dalawa na sila na pala ni mitch at janjan at dun na nga masayang umuwi si Janjan na galing sa Nueva Ecija .At ika 22 iyon ng december ito ang araw na sinagot ni mitch si janjan.At dito nabuo ang three couples at gumawa ng group chat si Marvin at dun nga sila palaging nagkwekwentuhan kaung silay online at pinag uusapan ng tatlo ang tungkol sa mga couple t shirt na balak nilang bilhin at kung ano ang disenyong nababagay sa t shirt na bibilhin nila .Aat gusto nilang sorpresahin ang kanilang mga gf.Minsan may mga bagay na hindi nila pinagkakaintindihan kaya naman nagiging dahilan na ito ng kanilang pag aaway.At mas lalo na sila marvin at jhen at minsan nasasabi na nila na gusto nilang magbreak .At itong si Marvin kinekwento naman niya sa dalawang kaibigan niya at tinutulungan naman nila ito para hindi ,mawasak ang three couples kaya naman hanggang ngayon silay nagkakasama pa rin at nag promise sila sa isat isa na walang iwanan at hiwalayan                                                 

Si Mamang Pulis

                         Si Mamang Pulis
                                                 ni: Darwin Carpio
         Isang araw may isang lalaki na nagpunta sa palengke upang mamili ng mga kakailanganing gamit para sa kanyang pagkakarpintero.Nang matapos na siyang bumili at mabayaran ito ay nagmamadali siyang umalis ,dahil madalang lang ang sasakyan papunta sa kanilang baryo.Dahil dito,nabangga niya ang isang pulis.Agad humingi ng paumanhin at ipinaliwanag na nabungo niya ito dahil sa pagmamadali.Nang makalayo na siya ay napansin niyang sumusunod ang pulis ng kanyang nabangga.Sa takot na siya ay maabutan,binilisan niya ang kanyang lakad.Iniisip niya kung malaking kasalanan ba ang makabangga ang isang pulis.Kanya ring naiisip kung may nagawa ba siyang krimen dahilan para habulin siya nito.Ngunit wala!Walang sapat na dahilan.Kung ang dahilan ay dahil nakabangga niya ang pulis,napakababaw naman ata niya ito .Binilisan niya pa ang paglalakad.May sinasabi ang pulis ngunit di niya maintindihan.Litong lito ang kanyang utak.Lakad takbo na ang kaniyang ginawa.Hingal na hingal na siya.Malayo na din siya sa paradahan ng sasakya papunta sa kanila subalit wala siyang magawa dahil baka maabutan siya ng pulis. Ngunit kahit anong bilis niya ay naaabutan pa rin siya nito.Agad na hinawakan ng pulis ang kanyang braso.Napatigil siya.Takot na takot.Malamig ang pawis at nanghihina na ang kaniyang mga tuhod.Nang biglang nagsalita ang pulis at nasabing"manong ang wallet mo.Di sinasadyang mahulog nung nabangga mo ako."Nang marinig ito ay nakahinga siya ng maluwag."Salamat"ang kaniyang sabi"kung di dahil sayo ay baka  di ako makauwi",dagdag pa nito.Lubusan siyang nagpasalamat sa pulis at nagpaalam na din ito.Agad agad niyang tinakbo ang paradahan.Salamat na lamang at may sasakyan pa.
        Nang makasakay na nga ang lalaki,gumaan na ng tuluyan ang kaniyang pakiramdam habang pasimpleng napapangiti dahil sa nangyari.At sa tahanan ng lalaki nai-kwento niya ito sa kanyang pamilya ang nagaganap sa kaniya kanina sa palengke,Hahahaha sabay sabay napatawa ang kaniyang mga anak at kanyang asawa.Pagkalipas nga ng isang linggo,kinakailangan na naman ng lalaki na pumunta s apalengke upang mamili muli ng kaniyang gamit sa kaniyang pagkakarpintero.Di sinasadyang magkatagpo ang dalawa,ang lalaki at si mamang pulis.Parehas napangiti ang dalawa .At humingi ng paumanhin ng lalaki sa pulis dahil sa kaniyang inasal nuon.At sa araw na yun masaya silang nag uusap at nag kwekwentuhan at sa araw na rin iyon naging matalik na magkaibigan silang dalawa.
At sa palaging pagpapalengke ng lalaki ay palagi na rin silang nagkikita.Masaya ang lalaki dahil sa nagkaroon siya ng isang mabait na kaibigan na pulis.







Ang Magulang                                                                                                                                                                                                                           
ni Darwin Carpio
Ang aking magulang tunay kay dakila
Dahil sila samin ay nag-aalaga
Mula pagkabata hanggang sa pagtanda
At sa amin sila'y hindi nagsasawa

Ang aking ama ng aming sambahayan
Ang nagtataguyod sa aming kailangan
Naghahanapbuhay kahit mahirapan
Maibigay lang aming pangangailangan

Kanyang ginagawang araw kahit gabi
At ang puyat man ay isinasantabi
Maibigay lang ang aming minimithi
Tunay na siya,sa amin ay mabuti

Ang aming ina na aming sambahayan
Siya ang naiiwan saming tahanan
Madalas man na kami'y mapagalitan
Ito'y para rin sa aming kapakanan

Siya ang aming gabay sa landas ng buhay
At sa aming pagtulog ay nagbabantay
Pag kami'y lumuluha, siya'y dumadamay
At tunay na kay buti ng aming nanay

Anuman ang mangyari sa mundong ito
Pagmamahal nami'y hindi magbabago
Para sa amin sila aming hero
Tunay na pagmamahal,aming natamo


Oh Giliw ko
ni Darwin Carpio

Pag-ibig ko sayo tunay at totoo
At wala nang hihigit,sayo giliw ko
Ikaw na ang buhay ko dito sa mundo
Sa habang buhay ikaw lang ang mahal ko

Araw-araw ikaw lang gustong kasama
Gusto kong lagi ng kapiling ka sinta
Sa pag-gising,ikaw lang gustong makita
At sa pagtulog gusto kong katabi ka

Hindi ko kakayanin na mawala ka
Dahil buhay ko'y mawawalan ng sigla
Kasi pangarap ko na pakasalan ka
Nang sa gayon habang buhay kang kasama.

                                                     

Friday, March 10, 2017

Alaala

                                                      Alaala
                                                                                       ni Rochelle Torres

        Sa isang bahay na napapalibutan ng makukulay at magagandang bulaklak,nakatira dito ang pamilya Alcantara ang mag asawang si Mang Pepe at Aling Marie silay mapagmahal at maalaga sa mga anak na babae,siya ay mabait at mapagmahal ganun din si Andrea.Habang ang pamilya Alcantara salo salong kumakain ng almusal sa hapagkainan may pangaral na binabanggit ang kanilang inay .Mga anak mag aral kayo ng mabuti wag kayong tumulad sa amin na di nakapagtapos ng manlang kayo,wika ni Aling Marie.Tahimik na dinidinig ni Ana ang mga salitang pinapangaral ng kanilang magulang na hinding hindi niya malilimutan magpakailanman napagtanto niya sa kanyang sarili na sadyang mabait at mapagmahal ang kanilang magulang”opo inay at itay.Mag aaral kaming mabuti upang makaahon tayo sa hirap at para di na rin kayo magtrabaho,tugon ni Ana.
Ilang minuto tapos na silang kumain ng pang almusal, napagpasyahan nang magkapatid na pumasok na ng school, at pagdating sa school naghiwalay ng daanan ang dalawa. At habang naglalakad si anna, may bumunggo sa kanya na lalaki. At siya ay si Dylan gawapo at malakas ang dating.. di na lamang pinansin ni Anna ang lalaki at walang kibong umalis papunta sa kanilang room!! Makalipas ang ilang oras uwian na nila!!
Pagdating ni Anna sa kanilang bahay! Naalala niya ang masasayang araw na magkasama silang buong pamilya sa tuwing naalala niya ito napapangiti siya at nanlalambot ang kanyang puso!
(kinabukasan, Saturday habang naglilinis si anna sa kanilang bahay)
“ate anong kukunin mong kurso pagkatapos kana sa high school?? Tanong ng kanyang kapatid. “hmmm… ang pangarap ko ay maging isang doctor. “Para makaahon tayo sa hirap at para maalagaan ng maayos si inay at itay.” Tugon ni Anna. “gusto ko ring maging isang doctor ate gaya mo” sumbat  ni Andrea. “ Ikaw bahala bunso”wika ni Anna sabay yakap sa kapatid.
Kinagabihan, dumating na ang kanilang nanay, sina Mang Pepe at aling Marie! Agad namang nagmano ang dalawang magkapatid. Habang salo-salo silang kumakain. “oh mga anak kamusta ang pag-aaral niyo?” tanong  ng mag-asawa. Napangiti naman ang dalawa at sabay sumbat ng “ayos lang po” ngumiti naman ang mag-asawa. At kumain na.
Nagpasalamat ang mag-asawa pagkat nabiyayaan sila ng mababait at mapagmahal na anak. Then nagpasya na si Aling Marie na maghugas ng pinagkainang plato. Habang naghuhugas ng plato ang matanda biglang sumakit at kumirot ang kanyang puso. At bigla na lamang napahandusay sa sahig ang matanda. At ng narinig ni Mang Pepe at ng dalawang magkapatid ang bulabog sa kusina. Agad silang tumakbo, at nagulat sila ng makita ang matanda na nakahandusay sa sahig agad na lumapit si Mang Pepe. At ang dalawa naman ay agad na humingi ng tulong sa kapit bahay upang itakbo sa hospital ang kanilang ina.
Sa hospital.. habang gingamot si Aling Marie, si Mang Pepe ay nagdadasal na sana gumaling ang kanyang asawa.  At ang dalawa namang magkaptid ay humahagulgol sa iyak! At ng lumabas na ang doctor. Agad silang lumapit. “Dok! Dok! Kamusta naman ang asawa ko!” tanong ni Mang Pepe. “pasensya na, ginawa  na namin ang lahat para gumaling siya ngunit wala ng talagang pag-asa.” Wika ng doctor at lumakad na palayo. Agad naman silang pumasok  ngunit nadatnan nilang nanghihina nang sobra ang matanda. At kanya na lamang nabanggit ay “mahal na mahal ko kayo, mag-aral kayong mabuti!!




Bayani sa ating Bansa
ni:Rochelle Torres


Ang bayaning trulad ni Gat. Jose Rizal,
Siya’y di nakita’t labis na minahal.
Karunungan niya’y hindi mapantayan,
Nangungunang lagi sa bawat larangan.

Gayang nasawi na ngang dahil sa bayan,
Ano’t hanggang ngayon ay di-malimutan.
Pilit tinutuklas ang kanilang bahay,
Hanggang kilalanin nitong kasaysayan.

Andres Bonifacio,bayang mahirap,
Sa lungsod Maynila’y dinakilang ganap.
Itong katipunan natapos itatag,
Diwang Pilipino’y sumigla’t namula’.

Mga Matatag na Bayani
ni:Rochelle Torres

Maraming bayani ang bumabandila,
At napatampok dito sa ating bansa.
May mamamahayag,sundalo’t makata,
Doktor,abogado’t pintor na dakila.

Yamang binanasagan ang dakilang lumpo,
Diwa ni Mabini’y hindi naigupo.
Kinilala paring utak na totoo,
Nitong himagsikan hindi nagpatalo.

Bayaning ito dapat sinasaludo,
Iilan nalang sila sa ating mundo.
Kaya dapat lang ating ipagmalaki,
Isang bayani kagaya ni Mabini.

Tunay na Magkaibigan


TUNAY NA MAGKAKAIBIGAN
                                                  ni:Elmie Portales
                    Sa isang lugar nang Quezon City, may magkakaibigan. Laging magkakasama saan man dako sila mapunta sina Jane, Jake, Rico, at Marife. Sila ay magkababata at magkakamag-aral. Si Rico ay matagal ng nanliligaw kay Marife, kung saan hindi pa sinasagot ni Marife si Rico dahil naman sa kaibigan lang ang turing niya sa kanya. Lumipas ang ilang linggo, buwan at taon, 4th year highschool na silaat malapit na ang bakasyon. Nagyaya si Jane na pumunta sa canteen para magmeryenda.
Jane: Guys, tara meryenda tayo.
Marife: Bakit, sagot mo ba best?
Jane: HAHA wala akong pera best!
Marife: Ikaw pa mawawalan ng pera, ang sabihin mo kuripot ka lang.
Nagtawanan ang mga magkakaibigan, hindi nila namalayan ang pagdating nila Jake at Rico sa kanilang likuran.
Jake: Ano naman ang pinaguusapan niyong dalawa?
Rico: mukhang masaya ata kayo ngayon.
Marife: Si Jane kasi nagyaya ng meryenda pero ayaw niya manlibre dahil kuripot siya. (sabay tawa)
Rico: tara libre ko. Ngayon lang to guys ha?
Jake: oo ba, ako rin next time manlibre.
Tara na tuloy gutom na kami guys. At pumunta sila sa canteen.
“Saan kaya magandang bakasyunan?” “Kahit saan basta magkakasama tayo, magiging masaya na tayo.” Tugon ni Jake.
Jane: ang korni mo!
Rico: nagiging korni lang naman ang isang lalaki pag nagmamahal diba?
Marife: Makapaghugot ka namn wagas. Tara na tuloy, time na baka malate pa tayo.
At pumunta na sila sa kani-kanilang room. Lumipas ang ilang buwan ay bakasyon na nila. Nag-uusap si Rico at Marife. “ alam mo wala ba akong pag asa sayo? Matagal na akong nanliligaw sayo kahit katiting lang na pagmamahal hindi mo ba kayang maibigay sa akin Marife?”tanong ni Rico. “Alam mo ba Rico sa totoo lang mahal na kita, napatunayan mo sa akin kung gaano mo ako ka mahal. Sa araw-araw tayong magkasama alam kong ito na ang araw na pinakahihintay ko na sabihing sinasagot na kita Rico” tugon ni Marife.
Rico:Totoo ba ang sinabi mo Marife sinasagot mo na ako. Salamat! Sa wakas natupad na rin ang aking kahilingan ko na maging tayo. Hindi ka magsisisi sa pagsagot mo sa akin Marife dahil di kita sasaktan hindi man ako perpektong boyfriend, sisikapin kong ibigay ang lahat lahat para lang mapasaya lang kita”.
Marife: tama na nga tong dramahang to tara na puntahan na natin si Jake at Jane, baka hinahanap na tayo.
Sa huling pagkakataon niyakap ni Rico si Marife nang mahigpit hindi nila namalayan na nasa likuran na pala nila sina Jake at Jane. “pambihira kayo best, kanina pa kaming naghahanap sa inyo andito lang pala kayo.” Tugon ni Jane
Rico: Sorry naman best, may pinag-uusapan lang kaming importante.
Marife: OO nga best, pasensya na.
Habang naglalakad ang magkakaibigan, may biglang tumunog na cellphone.
Rico: May tumatawag sayo Marife.
Tiningnan ni Marife, ang nanay niya ang tumatawag na taga probinsya at sinagot niya ito. Mukhang hindi maganda ang pinang-usapan nila dahil pinapauwi na siya ng kanyang nanay sa probinsya dahil malubha ang sakit ng kanyang ama, ilang linggo nang may sakit ito at wala naman silang budget para ipa-ospital ito. Naiiyak na binaba ni Marife ang cellphone niya.
Jane: anong problema best?
Marife: Si nanay kasi pinapauwi an ako. May sakit daw si tatay, malubha kailangan ko ng umuwi sa probinsiya. (umiiyak na sinasabi)
Rico: Kailan ka uuwi?
Marife: sa makalawang linngo maghahanap pa ako ng pera para may pang pagamot si tatay. Kinakailangan ko ng malaking halaga.
Jane: Huwag ka ng umiyak best, nandito lang kaibigan mo. Tutulungan ka namin wag kang mag-alala.
Marife: Maraming Salamat sa inyo.
Lumipas ang mga araw, umuwi si Marife sa kaniyang probinsya at naiwan ang tatlo, sina Rico, Jake at Jane. Nakalikom ng pera si Marife para sa pang pagamot sa kanyang tatay. Natuklasan ng mga doctor na may cancer sa baga at ito ay malubha na , Stage 4. Lumipas ang ilang linggong nasa hospital, ang tatay ni Marife ay di pa gumagaling.Sa kabilang dako ang magkakaibigan na sina Rico,Jake,at Jane  ay nag-aalala kay Marife dahil wala pa silang balita sa kanya kung ano ang kalagayan niya sa probinsya.Hindi kasi nila makontak ang cellphone ni marife.napagdisisyonan pa ni Rico na sundan nalang si marife sa probinsya.Kaya sinabi niya kina Jake at Jane na susundan niya si Marife sa probinsya.Wala nang nagawa simna Jake at Jane kundi suportahan nalang ang disisyon ng kaibigan nila dahil alam niyang sobra ang pag-aalaala niya sa kanyang girlfriend.At nakarating na si Rico sa probinsya,hindi inakala ni Marife na pupunta siya roon.Laking gulat  ni Rico sa nakita niya na may nilalamayan sa bahay nila Marife.Dali daling pumunta si Rico sa bahay nila marife at nadatnan niya si Marife na umiiyak,humahagulgol sa iyak. Nilapitan niya ito at tinapik niya sa likod si Marife.”nakikiramay ako sayo Marife.”biglang lumingon si Marife sa likuran niya.
Marife:anung ginagawa mo rito?Wala na si tatay,iniwan na niya kami Rico.Paulit ulit niyang sabi kay Rico.(niyakap niya ito ng mahigpit,na pati si rico ay napaiyak.). Pina-alam ni Rico ang  nangyari sa tatay ni marife sa kanyang mga kaibigan.hindi namana makapunta si Jake at Jane dahil hindi sila pinayagan ng kanilang magulang.Sa kabilang dako,sina Jake at Jane ay naguusap.
Jake:Sa ating magbabarkada tayo nalang ang single!
Jane: oo nga eh! How I wish magka bf na ako.
Jake: may naisip ako.
Jane: ano naman yun?
Jake: Let’s pretend na mag-on tayo just for fun.
Jane: Nagpapatawa ka ba?
Pumayag si Jane sa sinabi ni Jake na magpanggap silang mag-on since parehas silang single.
Jane: Sige ikaw bahala. So hanggang kailan naman tayo ganito don’t tell me 1 year to tatagal.
Jake: Grabe ka naman mga 2 months lang, ok ba yun?
Jane: kapal 30 Days lang, ano ka!
Walang nagawa si Jake kundi pumayagb sa kasunduang 30 days lang silang magkasintahan.
Jake: Starting today, tayo na.
Jane: yup, 30 days lang to no? baka ma-carried away ka.
Jake: Opo Boss.
Jane: saan tayo boss.
Niyaya ni Jake na makipagdate kagaya nang ginagawa  nang tunay na mag-on.
Day 3, nanuod ng Sine
Day 7, Star City, namasyal sila kasama ang barkada, ang sweet niya grabe!
Day 12, Jogging silang dalawa, ang saya niyang kasama.
Day 16, Went to church together, faithful din pala siya.
Day 21, Pumunta sila nakibirthday sa barkada nila.
     Si Jane ay may kakaiba nang nararamdaman kay Jake na kakaiba.Hindi niya maipaliwanag naiilang na siya pag inaasar siya nang barkadfa nila at nahihiya ito.Sa Day 25 nasagi sa isipan niya na limang araw nalang break na sila ni Jake at nasabi niya sa sarili na parang nanghihinayang.Day 30 last day na nila ito ang ayAW ni Jane pinakahihintay na ayaw sanang mangyari.
Jane: So last day na natin to.
Jake:Bakit?Namimiss mo ako no?Ikaw ba?
Jane:As if(sobra)hahaha?(sana joke lang yun)
Jake:Ang init talaga ngayon
Jane:Oo  nga ehh
Jake:Dirty ice cream oh gusto mo?
Jane:Sure
Jake:Sandali lang bibili ako.
     At pumunta na para bumili si Jake ng ice cream para ibigay kay Jane.Sa pagmamadali niya,hindi niya nakita ang pagpapalapit na sasakyan at ito ay nabunggo.Itinakbo sa pinakamalapit na hospital.
Day 30 1:28 pm
Doktor:Ikaw ba yung gf nang naaksidente?
Jake:Ako?Ako nga po?
Doktor:Lubha ang pagkakatama ng kanyang ulo.Malubha ang lagay niya .We did everything we could para maligtas siya.He’s still breathing.Per maghihintay nalang tayo,panalangin nalang ang kakapitan natin upang siya ay maligtas.Habang nasa operating room si Jake ay sobra ang pag iyak ni Jane hindi niya alam ang gagawin.Tinawagan niya ang barkada niyang si Rico at Marife,binalita niya ang nangyari kay Jake hindi sila makapaniwala sa nangyari kaya dali daling binaba yung cp para pumunta agad sila sa hoispital kung saan naroon si Jake na nag aagaw buhay.May binigay ang doctor kay  Jane yung jacket ni Jake may note sa pocket ang nilalaman ng note ay
     “Last day na natin ngayon I have realize that you are really cute girl .I blame myself dahil hindi ako nagkaroon ng time para kilalanin ka.I really enjoy being your bf hiw I wish na maextend pa to sana maging gf nalang kita .For real no limitations.I love you Jane .Dont leave me.
Day 30.
Jane:Isnt over yet.Please wake up.I love you jake
Day 31 12:00 am
    Jake died at nakarating na sila Rico at Marife huli na ang lahat,malamig na bangkay na ang naabutan nila halos mahimatay si Jane sa sobrang pag iyak niya.Iyak din ng iyak sina Rico at Marife.
Rico:Ang unfair mo naman tol sabi mo walang iwanan diba magbabarkada tayo para ngang magkapatid ang turingan tapos nang iwan ka
Marife:Best naman oh wag kang magbiro nang ganyan diba.Bonding pa tayo.Hindi magiging masaya ang bonding kung wala ka alam mo yan best.
    Lumipas ang ilang araw na binurol si Jake ay nilibing na unti unting nang natanggap nang magbabarkada na wala na talaga si Jake.Nawala man sa mundo si Jake pero mananatili parin sa puso nang barkada nakaukit parin ang mga alaala kahit kailan ay hindi na maalis pa.Si Rico at Marife ay nagpakasal na at nagsama habang buhay.Pero si Jane ay hindi na itong naghahanap pa nang makakasama habang buhay dahil si Jake parin ang mahal niya inialay niya ang puso niya wala nang iba pa.Kahit may kani kanilang pamilya na silang magbabarkada,masaya na silang magkakasama.



Ikaw Lang Sinta Ko
ni Elmie Portales
Ikaw lang, ikaw lang mahal walang iba
Buong buhay iaalay sayo sinta
San man dako mapunta hahanapin ka
Pagkat ika’y minamahal ng sobra

Sana’y maramdaman mo tong pag-ibig ko
Upang dina magdusa tong puso ko
Papahalagahan at mamahalin ka
San man dako ng mundo mapunta
Ginto o pera,angkinin man ng iba
Basta’t ka’y kasama kuntento na sinta
Sana mahal pag-ibig mo’y akin lamang
Papatunayan sayo mahal kang totoo.


                                                 





Pusong Sugatan
Elmie Portales
Ikaw mahal, ikaw nagbigay kulay
Ikaw lamang sa buhay magpakailanman
Sa puso ko’t isipan kaw ang siyang laman
Pag ikaw nawala, buhay ko’y matamlay

Kapag ang puso mabilis tumibok
Ito’y sinasabing ikaw ang mahal
Aking sinta dahil sayo’y nasaktan
Nong meron sakanya at ako’y iniwan

Istupidong puso mo dahil sayo ko’y
Nasaktan, iniwan ng walang dahilan
Ewan sayo, binigay ko naman lahat
Aking kaligayahan puso’y nasugat


Noong ika’y nawala aking sinta ko’y
Nasaktan at nagdurusa pilit ko mang
Ibalik ang nakaraan ngunit ako’y

Iniwang sugatan at luhaan.




Ang Sukli ng Kalikasan


               ANG SUKLI NG KALIKASAN
                                                    ni: Gerrymae Pabon
            Noong unang panahon ang mga bundok sa bayan ng Abra ay may luntiang kulay at maraming iba’t-ibang uri ng hayop ang mga tao’y namumuhay ng masagana. Isa na rito si Mang Diego.
Si Mang Diego ay magsasaka at bawat ani niya’y labis-labis kaya’t ang iba’y binebenta niya upang panggastos sa pamilya. Sa tabi ng bundok ay nandoon ang mataba niyang sakahan. Isang araw si Mang Diego ay sumakay sa kanyang kalabaw. Sa daan habang nakasakay, inaliw niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagpipito.
Narating na ni Mang Diego ang kanyang palayan. Habang inaayos niya ang pilapil may narining siyang ungol ng makina. Dininig niyang mabuti kung ang makina ba ay kanyang patubig subalit ito’y nag mumula sa gitna ng bundok. Tumigil si Mang Diego sa trabaho at pinuntahan niya ito. Pagdating sa tuktok, nakita niya ang mga malalaking pang hukay yun pala’y nagmimina na ang mga tao dito ay sinubukan niyang pigilan ang mga ito.Ngunit nabigo siya dahil mismo ang kanilang mayor ang utos nito. Umuwi si Mang Diego na may galit at may sama ng loob. Kinabukasan, siya ay pumunta sa Brgy. Captain. Subalit sinabi ng kanyang kapitan, “wag ka na lang makialam dito Diego at papartehan na lamang namin kayo pag may nakuha kami. Sumagot si Mang Diego “Masisisra ang bundok at ang hanap-buhay ng mga katulad ko. Tumagal ang panahon at dumating ang malakas na bagyo. Hindi kinayanan ng bundok ang ulan at gumuho ang lupa. Ang sakahan ni Mang Diego ay natabunan ng lupa at walang ibang sisisishin kundi ang Mayor at ang ibang kasapi
                                         
                                       .Nung Kapanahunan Ko Pa
ni:Gerrymae Pabon

Sa simula pa lang ay alam kong siya na,
Ang maging kasama sa lungkot at saya.
Tanda ko pa nang nililigawan ko pa siya,
Ramdam ko ang sobrang takot at may hiya.

Balakid sa akin ang ama’t ina,
Kaya’t sintunado kung awitan ka.
Ako’y bumabato sa kaniyang bintana,
Kapag ang bantay niya’y tulog na tulog na.

Upang ako ay magpaalam na sinta,
Pero puso mo ay tumitibok ng bigla.
At kami’y dalawa’y nanunumpat nangako,
Sa harap ng Diyos at sa harap ng madaming tao.


Manloloko
ni:Gerrymae Pabon

Lhat ng gusto mo’y aking binibigay,
At bawat oras ako’y iyong kaakbay.
Sabi ako ay tangi mong karamay,
Ngunit ako’y binura sayong buhay.

Bakit ako’y iyong lubos na sinaktan,
Minahal kita’t aking inalagaan,
Para kang chobibo paikot-ikot,
Dika titigil kahit may malungkot.
Puso mo’y parang rehas maraming laman,
Siguro pangarap mong maging bayaran.





Pursigi


PURSIGI
                                                        ni:Jaypoy Ramos
  Sa isang bayan may pamilyang masayang masaya at may isa silang anak na si Joy .Si Joy ay isang napakatalinong bata at maganda at ang kanyang nanay at tatay ay isa lang magsasaka at labandera sa kanilang kapitbahay.
“Nay punta na po ako sa eskwelahan papasok na ako wag kayong magkakapagod ahh,’’sabi ng kanyang anak na si Joy.
“Oo anak wag kang magpapagutom ,wika naman ng kanyang ina .”
May isa namang pamilya na ubod ng yaman at dito nagtatrabaho ang kanyang ina bilang labandera o kasambahay ang pamilyang ito ay napakahigpit sa kanilang mga kasambahay kung may mababasag o masisira sa kanilang mga gamit ito ay babayaran ng ina ni Joy na siyang nagtatrabaho sa kanila.
“Goodmorning,maam sorry po late ako,sabi ni Ana ina ni Joy”
“Ano ba yan lagi ka nalang late dahil diyan ibabawas ko sa iyong sweldo sige magtrabaho ka na ayaw ko nang maduming trabaho ,sabi naman ng kanyang amo.”
“Opo maam “

     At hindi pa nakakaalis ang kanyang amo may nabangga siyang flower vase ito ay napakamahal at napagalitan na naman niya ito.
“Sorry po hindi sinasadya”,wika ni Ana.
“Hindi mo na makukuha ang sweldo mo ng isang buwan dahil diyan sa nabasag mo at late ka sa trabaho ,sambit ng kanyang amo.”
“Eh maam isnag buewan wala na po kaming pag kain at pang baon ng aking anak madami pa siyang binabayaran sa kanilang eskwelahan ,sabi ni Ana”
“Wala akong pakialam di malimos kayo sa kalsada “sagot ng kanyang amo.
Hindi nalang nagsalita si Ana baka susunod papalayasin naman siya dahil yun lang ang trabaho na alam niya at wala na siyang mapupuntahan.Pag uwi ni Ana s kanilang bahay.
“Ohh nay andiyan ka na pala halika imamasahe kita “sabi ni Joy”
“Sige anak salamat ah andiyan ka parin sa akin dahil diyan nawawala ang pagod ko”
“Opo nay gusto mo nay tulungan kitang maghanap buhay nagtitinda ako ng barbeque sa paaralan namin para naman makabawas sa gastusin.
“Tsaka nga pala anak wala na akong isang buwan na sweldo pasensya na anak wala akong maibibigay sa mga kakailanganin mo sa paaralan.
“Okay lang po yun may pero bakit po wala ka nang isang buwan na sweldo”
“Kasi nak sabi ng amo ko dahil nalalate ako nababawasan daw sa sweldo ko tapos naaksidente pang nabasag ko ang kanilang flower vase kaya yun babayaran ko na nman daw.
“Grabe naman nay hindi man lang sila maawa sa atin wala silang puso pero hayaan niyo nay pag naging abogado ako hindi ka na magtatrabaho at hindi na tayo maaapi dahil sa kanila.
   Kinabukasan pumasok si Ana sa kanyang trabaho habang namamalansya siya ay nasunog niya ang damit ng kanyang amo na napakamahal at pinagalitan na naman niya at pinalayas dahil wala na daw siyang kwenta.
“ano ba yan ama napakatagal mo hindi mo alam magtrabaho lumayas ka na dto hindi na kita kailangan’’
‘’Pero ma’am wala na akong mapupuntahang trabaho ‘’sabi ni Ana
‘’Wala akong pakialam malimos ka kasama ng iyong pamilya’’ sabi ng kanyang amo
Habang naglalakad pauwi si Ana umiiyak siya at nakita ni Joy na napakalungkot ng kanyang ina
‘’Nay bakit po kayo umiiyak’’
‘’Wala ito anak masakit lang ang ulo ko’’
‘’Nay naman kilala po kita alam ko may problema ka’’
‘’Anak pinalayas na ako ng aking amo’’
‘’Hayaan na ninyo nay dito ka nalang sa bahay at ako magtitinda ako sa paaralan namin ng barbecue at gagawa din ako ng assignments ng mga kaklase ko at babayaran daw nila ako kapag gagawa ko daw sila.
‘’Salamat anak’’
‘’Makakapagtapos pa ko ng pag aaral magigng abogado ako tsaka nay valedictorian po ako sa aming klase nagkokolehiyo na ako.
‘’Ipagpapatuloy mo ang iyong nasimulan at magiging isa kang propesyonal na abogado’’
Nang makatapos si Joy sa high school naging Schoolar siya kanilang paaralan at nag aaral siya sa Philippine Normal University.

      Pagkalipas ng apat na taon nakapagtapos na si joy ng kursong abogado at umuuwi na siya sa kanilang banyo.
“Nay nandito na po ako may sorpresa po ako sa inyo magiging isa na  akong abogado.”
“CONGRATULATION anak,sabi ng kanyang ina na napakahalumanay ang tono.”
‘’Bakit po nay may sakit po ba kayo’’
‘’wala ito anak ngayong abogado na dapat mahalin mo ang iyong kapwa at wag ka ding magpapaapi tulungan mo ang iyong tatay mahal na mahal kita.”
‘’Nay naman eh wag ka ngang magsalita ng ganyan sandali po nay maghahain lang ako ng kakainin natin.
‘’sige anak’’
Habang naghahanda ng pagkain nila Joy ay wala na ang kanyang ina dahil may sakit ang kaniyang ina na cancer sa atay.
‘’nay kain na po bangon ka na diyan’’
Pagkalipas ng sampung minuto hindi pa bumabangon ang kanyang ina at nilapitan niya ito.
‘’nay halika na ‘’
Napansin ni Joy na hindi gumagalaw ang kanyang ina patay na ito.Hindi tumiil sa pag iiyak si Joy hindi niya man lang nakasama ang kanya isa nang napakatagal.
   Pagkalipas ng limang taon mayaman na si Joy tulad nga ng sinabi ng kanyang ina tumutulong siya sa mga mahihirap pati na rin sa mga inaapi tulad ng kanyang ina noon.At ang amo ng kanyang ina noon ay naghihirap na dahil bumagsak na ang kanyang kumpanya.Humihingi na din siya ng tulong ni Joy pero ayaw ni Joy na tulungan niya ito at gusto ni Joy na iparanas ang hirap na ginawa niya sa kanyang ina.



Magandang Dilag
ni Jaypoy Ramos

Simula ng tayo ay nagkakilala
Binago mo ang aking bawat umaga
Tanging iyong mukha ang naalala
Kahit saang dakong aking nakikita

Ang iyong labi mo’y tila rosas ang pula
Ang buhok mong mala prinsesa ang haba
Tangkad moy aking hinahanap sinta
Kaya ikaw ang aking munting prinsesa

Sa panaginip ko ikaw ang kasama
Na tila anghel abot langit ang saya
Ikaw ang inspirasyon ko,sa buhay ko
Pangako di na ako lalayo sayo.

Destiny


Destiny
                                            
ni :Erika Ybanez
      Isang araw may magkaibigan na sina Ana at Diana sila ay mamasukan ng kasambahay(tumonug ang door bell)ding dong!."Sino yan?"sabay bukas ng pinto ni Mark na magiging  amo nila.Siya ay gwapo,matipuno ang pangangatawan,mayaman ngaunit mukang masunget,si Anthony ang kanyang kapatid mabait,gwapo ngunit playboy."Hello sir!.Kami nga pala ang bago niyong kasambahay ako po si Ana at kasama ko naman si Diana"."sige pasok. Ako nga pala si Mark at kapatid ko si Anthony''"hello sir sabi ng dalawa.May mga rules ako.una ayaw ko ng maingay at dapat laging malinis ang bahay at pangatlo..saka ng yung pangatlo wika ni Mark."ok po sir sumbat ng dalawa"."uyyyttt..kuya tape mo siguro si Diana nohh!! bagay kayo..hahaha."bulong ni Anthony kay Mark."
           Tumahimik ka nga kasambahay ang kailangan ka,dun ka na nga,magsimula na kayo"sumabat agad si Mark."ok po sir" wika naman ng dalawa.
kinabukasan..
"GOOD MORNING SIR!!.gising na po.ang taas taas na ng araw ohh..sir bumangon na kayo diyan"wika ni Ana kay Anthony.."ano ba ang ingay ingay mo ang aga-aga ang saket sa tenga.pake kuha na nga lang yung gatas ko.""ano ba  yan sir ang aga-aga bad mood kayo.sabi ng lolo ko dapat paggising sa umaga dapat happy lang para happy buong maghapon mo.
okay sir kunin ko  na po yung gatas'' sagot ni  ana.
Habang tumatagal ay nagkakagusto na si ana kay  Anthony ngunit tinatak niya sa kanyang isipan na sila ay hindi  pwede dahil siya ay isang kasambahay lang nila. Isang araw habang nagswiswiming  si anthony pinagmamasdan siya nito ni ana. Lumapit si anthony sa kanyaat sila ay nagtitigang dalawa habang papalapit ang kanilang mga labi ,akala ni ana ay imahinasyon niya lamang ito ng biglang .... ''hoy! anong ginagawa mo ?? asan ang tuwalya ko ,''wika ni anthony. ''ayy!sorry po sir ,kukunin ko na po sir ''sagot ni ana ''bilis'' wika naman ni Anthony. Ng umalis si ana, tumawa si Anthony ng palihim . Habang tumatagal ay nagiging close na sila sa isat isaat tuluyan ng nahulog ang loob nila sa isa't isa ngunit ito ay nilihim nilang pareho .Hanggang isang araw nagtapat si anthony kay ana. ''ana may sasabihin ako sayo''.
''ano po yun sir'' sagot ni ana .'' hmpft! gusto kita , gusto mo ba ako '' wika ni Anthony . ''Sir,hmmm ewan ko po crush lang naman kita pero kasi ..'' 
''ano gusto mo ba ako '' wika ulit ni anthony ''oo..ayy hindi sir . Hindi tayo pwede alam mo naman  kasambahay lang ako'' ''eh ano ngayon ang mahalaga mahal natin ang isat isa ''
''hmpft bahala ka sir '' wika ni ana. ''yes! tayo na ?'' masayang sigaw ni anthony . Tumango nalang si ana. Masaya sila kung anong meron sila, wala namang nagbago , ginampanan parin ni ana ang trabaho niya. Isang araw sa kusina ''Hello! mom, yes ok lang po ako mom''''yes po wala akong girlfriend''''ok. i will marry that girl, ok bye mom! i love you''.
Narinig lahat ni ana ang pinag usapan ni anthony at ang kanyang nanay kaya.''Sabi ko naman sayo eeh hindi tayo pwede,  pero ok lang magreresign naman na ako , goodbye sir '' wika ni Ana. ''Ana let me explain '' sagot ni Anthony.
           ''Wag na sir naiintindihan ko naman, alam ko pong lumugar '' sagot ni ana. umalis nga si ana at umuwi siya sa kanilang probinsya.
After 2 years nagkita ulit silang dalawa . ''ana buti nagkita tayo ..hindi ako nagsisi na hindi ko tinuloy ang kasal now I realize that I love you . Hinintay kita ng matagal kaya ngayon di na kita papakawalan '' wika ni Anthony.Destiny na talaga ang gumagawang paraan para tayo ay magkita '', sagot ni ana.Pagkatapos ng pangyayaring iyon sila ay nagkatuluyang dalawa at namuhay ng masaya at masagana.


Pangarap Lang Kita
ni Erika Ybanez

Ako'y kinikilig pag siya ay nakita
Malakas ang dating kahit di pumorma
Nagkakandarapa ang mga babae
Parang langaw na humahabol sa tae

Nababawaliw na ako dahil sa kanya
Parang lumalala ang aking paghanga
Ewan ko ba kung bakit nagkaganito
Bumibilis ang tibok ng aking puso

Parang baliw na naghahabol sa kanya
Iniistalk ko pa mga status niya
Lahat ng post niya ay inaabangan ko
Mga inaupload niya ay nilalike ko

Ayoko na malaman niya na crush ko siya
At baka ako pa ay iiwasan niya
Mananatili na lang itong sikreto
Kaya hnaggang pangarap lang maging tayo.

Nanay
ni Erika Ybanez

Ikaw ang nagbigay sa akin ng buhay
Mahal na mahal kita youre the sweetest mom
Lagi mo pa kaming inaalagaan
At hindi mo kami pinababayaan

Kinakaya mo kahit baon sa utang
Para lang may makain sa araw araw
Pag aaral namin ay tinustustusaan
Tinutulungan si papa kung may kulang

Kahit kami ay makulit at pasaway
At kami'y nag aawat paminsan minsan
Di mo kami hinahayaang maligaw
Sinusubaybayan kami araw araw

Tinuturo mo ang tamang daan sa'min
At lagi mo kaming sinusubaybayan
Kaya lahat ng iyong payo ay susundin
Mama ikaw rin ang aming inspirasyon.