Sunday, March 12, 2017

Magkaibigan na Napunta Sa pag iibigan

Magkaibigan na Napunta sa Pag Iibigan
                       ni Mark Anthony Gabuyo

     Hoy gray kamusta ka na?Kamusta naman yang nirereview mo tapos kana na?Wika ni Mae sa kaibigan niyang si Gray.Eto okay naman actually patapos na ako tugon naman ni Gray kay Mae.Si Mae at Gray ay matagal ng magkaibigan.San man mapunta ang isa lagi silang magkasama sabay na pumasok sa paaralan sapagkat magkalapit lang sila ng bahay.Lingid sa kaalaman ni Gray may lihim na pagtingin Mae sa kanya.Isang araw habang naglalakad si Mae patungo sa bahay nila Gray sapagkat sabay silang papasok ng paaralan sa araw na iyon.Gray labas kana late na tayo pasigaw na wika ni Mae.Aba Mae ikaw pla pasok ka muna sa bahay naliligo pa lang kasi itong kaibigan mo tugon ng mama ni Gray.Kamusta na pala ang mama mo.Okay lang naman tita sambit ni Mae.

     Habang silay nakasakay papunta ng paaralan nagkwekwentuhan ang dalawa.Gray balita ko may nililigawan ka sa inyong room pabirong sabi ni Mae.Naku!Wala no?Mag aaral muna ako patawang sumbat ni Gray sa kanyang kaibigan.Nagbibiruan ang dalawa hanggang silay nakarating.Sabay pumasok ang dalawa sabay mag recess sabay kumain at sabay ding umuuwi alam pa ng lahat sa kanilang room ay mag jowa ang dalawa.Si Gray ay matikas ,maputi,gwapo,matangkad,matalino,magaling maglaro ng basketball na siyang MVP ng kanilang paaralan at bukod sa lahat mabait siya na hindi na nakapagtatakang maraming nagkakagusto sa binata.
Habang abala ang lahat sa paghahanda sa aktibidad sa kanilang paaralan.Habang tumutulong sa paggupit sa mga kakailanganin nila sa kanilang pagtatanghal sa raw na iyon ng biglang nagtanong ng guro ni gray,Gray ano ba ang gusto mo sa isang babae?Kasi ang daming may nagkakagusto sayo pero parang wala kang napupusuan ?Ahh basta maam yuung matured mag isip,may takot sa Diyos,at syempre mabait po sambit ni Gray.Agad naman kinilig ang mga kababaihan na nakarinig sa sinabi ni Gray .Hoyy Mae kanina pa kita tinatawag nakatulala ka tara uwi na tayosambit ni Gray kay Mae.
Sa paglipas ng araw hindi na kayang itago ni Mae ang nararamdaman niya sa kanyang kaibigan.Naisipan ni Mae na tawagan si Gray sa oras na yun ngunit nakapaty ang cellphone ng binata kaya naisipan niyang puntahan sa kanilang bahay pumunta daw si Gray sa kanyang mga kaibigan sapagkat wala silang pasok sa araw na iyon.Mula sa araw na iyon nagtampo si Mae sa kanyang kaibigan.Halos isang linggong di napansin at kinausp si Gray.Habang naglalakad papasok na ng paaralan si Gray ng makita niya si Mae na mag isang nakaupo sa gilid agad nilapitan ito ni Gray.
“Mae kamusta kana?Bakit di mo na ako dinadaanan sa bahay?Dika na sumasabay sa akin na kumain at sumabay umuwi?May nagawa ba ako?Malungkot na tanong ni Gray.Sa totoo lang Gray nagtatampo ako sa iyo alam mo sobrang busy mo sa mga barkada mo di na ako napapansin bilang isang kaibigan mo masakit para sakin yun?Sumbat ni Mae.
Sorry Mae hayaan mo wala akong gagawin sa sabado labas tayo ha?Okay pangiting sabi ni Mae?
Araw ng sabado maagang gumising si Mae sa kadahilanang may lakad sila ni Gray.Maaga ring nagbihis si Gray upang sunduin si Mae dahil nais niyang makabawi sa kanyang kaibigan.Pagkatapos niyang masundo si Mae ay agad ng punta ang magkaibigan sa kanilang pupuntahan.Masaya ang dalawa sa araw na iyon namasyal sila sa plaza kumain sa mang inasal at namili ng mga damit sa mall.Naisipan ni Mae na manuod sila ng sine ni Gray .Habang magkatabing nanunuod ang dalawa tinapik ni Mae ang balikat ni Gray .Gray may sasabihin sana ako .Ano naman yun importante ba?sabi ni Gray.
“OO gray alam kong magkaibigan tayo pero diko na kayang ilihim pa tong nararamdaman ko sayo gusto na kita gray matagal na nuon hindi ko masabi sayo kasi ayaw kong mareject sayo sa totoo lang nilakasan ko na ang loob ko para masabi ko lang tyo .Mae parang napakamadali naman ,pautal utal na sabi ni Gray.
     
         Sa totoo lang din Mae matagal na din kitang gusto simula pa lang kaso nahihiya lang kasi akong sabihin sayo kasi nga mag kaibigan tayo di namalayan ni Mae na napapaluha na pala sa tuwa.Hanggang sa pag uwi masayang masaya nagkwekwentuhan ang dalawa.Lumipas ang ilang buwan di nag tagal naging magkasintahan ang dating magkaibigan.


                                       
Pag Ibig Na Tapat
ni Mark Gabuyo

Ang pagmamahal ko sa iyo ay tapat
Pag ibig ko sayo lang nararapat
Pag ibig ko sayo di mo masusukat
Ikaw lang sa akin ang karapat dapat

Pag ibig ko sayo ay di matatapos
Kahit maraming dumating na unos
Pasensya ko sayo ay di mauubos
Ikaw lang sinta,pag ibig ko na lubos

Ikaw lang aking sinta ang aking buhay
Parang pag ibig niya na bukang liwayway
Pangako hindi tayo maghihiwalay
Basta't humawak ka lang sa aking kamay.









Pag Ibig Na Lubusan
ni Mark Gabuyo

Ikaw lang ang aking iibigin sinta
Noon ,ngayon,kailanman wala ng iba
Araw gabi ikaw ang nais makatabi
Ikaw ang kasama sa mga pighati

Pagmamahal ko ay hindi magbabago
Pagmamahal ko sayo di maglalaho
Subukin man tayo ng anumang bagyo
Pag ibig ko sayo ay di magbabago

Ikaw ang nais makasama sinta
Hirap at ginhawa ikaw ang kasama
Mananatili sa aking puso
Di ipagpapalit kahit sa mga ginto.





Tiyaga

TIYAGA
ni Vanessa Joy Cruz

Sa isang malayo at mapayapang bayan ay may isang batang babae na angngangalang Joy. Si Joy ay mabait,maganda,masipag,at matalino ngunit siya ay nag iisa lamang dahil ang kanyang mga magulang ay namatay sa isang aksidente at kanyang tiyahing si aling lusila lamang ang kanyang kasama sa kanilang bahay ,ngunit ang kanyang tiyahin ay mataray,bungangera,mapanlait at lagi nyang sinasaktan si joy kung may mga mali siyang nagagawa.Isang araw habang naglalaba si joy.,ano ba Joy!Hindi ka pa ba tapos diyan?ang bagal mo naman at hindi ka pa nakaluto!Nagugutom na ako, bilisan mo.’ani ng kanyang tiyahin.
Opo anti binibilisan ko na po!hintayin niyo na lang po ako”sabi ni Joy habang binibilisan ang kanyang paglalaba.Alam mong gutom na gutom na ako tapos pinagaantay mo ako,kahit kailan ang kupad kupad mo”sabi niya sabay sabunot kay Joy.Tama na po anti!pasensya na po eto na po magluluto na ako sabi ni Joy.Aba dapat lang kasi siya lang naman pinapalamon ko sayo sabi ng kanyang tiyahin sabay bitaw sa buhok nya.
        Lumipas ang dalawang taon.hindi pa rin nagbabago ang kayang tiyan, lagi niyang sinasaktan si joy. Minsan habang nagluluto si joy hindi namalayan na nasusunog na pala ang kanyang niluluto.
“ano ba yan joy nasusunog na ang iyong niluluto” at dali daling pinatay ngkanyang tiyahin.
“ano ba?gusto mo bang sunugin ang aking pamamahay wala kana bang ibang gawin kundi perwisyo sabuhay ko at manira ng mga ng mga gamit, sawang sawa na ak0 sa pinaggagawa mo sa buhay ko. Sabay s bunot kay joy.Sorry potiya’’.Naghuhugas po kasi ako ng mga plato.Hindi ko po sinasadya pasensya na talaga –ani ni joy.
hmmmm.Pasensiya. Matagal na kong nagpapasensiya sayo.Sawang sawa  na ako kaya ngayon lumayas ka sa pamamahay ko’’-ani ng kanyang tiyahin.
Walang nagawa si Joy kundi lumayas habang umiiyak.Kahit na labag sa kanyang loob.
Habang naglalakad si Joy nagiisip siya kung saan siya pupunta pero walang maisip kaya nagpatuloy nalang siya sa paglalakad hanggang sa mapahinto siya sa isang puno at nagpahinga muna siya dahil pagod na pagod na at nagugutom pa.Pero habang nagpapahinga si Joy ay bigla nalang siyang nakatulog dahil sa pagod.
Umaga na pala ng magising si Joy kaya naman pinagpatuloy ang kaniyang paglalakad. Habang naglalakad si Joy may nakita siyang matandang babae kaso muntikan ng mabangga kaya tinulungan niya ito.
“ok lang po ba kayo lola?nasaktan po ba kayo? Sabi ni Joy.
“ok lang ako. Salamat ineng kaso mukang nabalian ata tong kanang paa ko kasi hindi ko maigalaw pwede mo ba akong tulungan at ihatid sa aking bahay” sabi ng matanda.
“opo sige po lola! Wala pong anuman, saan po ba ang bahay niyo at ihahatid kpo kayo”sabi ni Joy.
“Dun lang sa kabilang kanto ineng”wika ng matanda.
Kaya naman inalalayan ni Joy ang matanda at habang naglalakad ay nagkukwentuhan sila hanggang sa makarting sila sa bahay ng matanda.
“dito ka muna ineng” ani ng matanda.
“Hah! Sige po lola”ani ni Joy.
Lola magisa niyo po ba dito saan po yung mga anak niyo? Tanong ni Joy.
“Ayy! Oo magisa ko lang dito,yung mga anak ko wala na may kanya-kanya na silang mga pamilya.” Ani ng mga matanda.
“Ah ganun po ba” ani ni Joy.
“Ehh! Ikaw neng bat ka naglalakad sa kalsada ng mag-isa?Asan ang mga magulang mo? At ano nga pala ang pangalan mo?” ani ng matanda.
“ako nga pala si Joy,pinalayas po kasi ako ako ng tiyahin ko at ang mga magulang ko ay patay na po” sabi ni Joy at mukhang papatak na ang kanyang luha.
‘Ahhh! Ganun ba pasensiya kana.Pero kung gusto mo pwede kang tumira dito sa bahay ko.Mag isa naman ako sa bahay ko para may makasama narin ako.’ –Ani ni Joy
“Ayy nga pala.Ako nga pala si lola Melda o di kaya tawagin mo nalang akong lola Mel.” –ani ng matanda.
Salamat po lola Mel tatanawin ko pong utang na loob to”-sabi ni Joy

     At doon na nagsimula ang bagong buhay ni Joy.Siya’y ipinasok ni lola Mel sa isang paaralan upang makapag aral,at lalo pang naging masipag at mabait si Joy. Kaya naman nasiyahan si Lola Mel dahil lahat ng gawaing bahay ay ginagawa ni Joy bago siya pumasok sa paaralan .At ang kanyang mga marka sa paaralan ay matatas kaya naman nung nalaman ng mga anak ni lola Mel ang tungkol kay Joy.Kaya naman tinulungan nila si Joy sa kanyang pag aaral at ganun din naman ang ginawa ni Joy kanyang sarili tinulungan na niya ito upang mas mataas pa ang kanyang marka hanggang sa makagraduate si Joy ng highschool  ay kabilang sa mga TOP STUDENT.
At nung nakatungtong na sa KOLEHIYO si Joy siyempre ganun parin siya hindi nagbabago kaya naman natutuwa si lola Mel sat hanggang sa makakatapos siya ng kolehiyo at napasa niya ang kanyang kurso na guro.Kaya naman masayang-masaya si lola Mel.
‘’Joy CONGRATULATION ang galing mo proud ako sayo’’- sabi ng matanda.
‘’Salamat lola kung hindi dahil sa inyo hindi ako makakatapos ng pag aaral ko. Kayo po ang siyang tumulong sakin kaya para sainyo po to’’-sabi ni Joy
‘’walang anuman’’-sabi ni lola
At hanggang sa nakahanap ng trabaho ay tinulungan siya ng mga anak ni lola Mel hanggang sa umasenso at naging mayaman si Joy dahil sa kanyan tiaga at kung may nangangailangan ng tulong niya agad na tumutulog si Joy.

                                           Tiwala
ni Vanessa Joy Cruz

Ang pagtitiwalay mayroong hangganan
Na parang dagat na may dalampasigan
Parang isang relasyon na may hanggan
Kaya dapat tunay na pahalagahan

Kung ang tiwala ay biglang ibinigay
Baka mapahamak sa daan ng buhay
Ang mga masasayang ala alang tunay
Upang makilala kung ano ang kulay

Hindi lang isang malaking karangalan
Na dapat ito'y ating pahalagahan
Ano mang tagalay ang yong kaalaman
Na dapat nating ito'y atin ng patunayan

Bawat isa ati'y biniyayaan
Ang mga kakayahan at pamamaraan
Pahalagahan dahil ito'y kayamanan
Tiwala sa sarili at sa kakayahan



                                                      


Nawasak Na Pag Ibig
ni Vanessa Joy Cruz

Panahong masaya tayong dalawa
Ang mga puso'y tumatalon sating ligaya
Pangakong walang iwanan sa ating dalawa
Ikaw at ako tayo'y pinagtagpo

Pero lungkot ang siyang natamo sayo
Ika'y nakipaghiwalay at lumayo
Lahat ng mga pangako ay napako
Nawala parang bula,biglang naglaho

Umasa pa man ako sa sinabi mo
Na ang pag ibig mo ay di magbabago
Akala ko'y tayo na ang hanggang sa dulo
Pero hanggang akala na lang pala to

Tuwing naiisip kong wala ka na
Ko'y nasasaktan at nahihirapan pa
Dahil ikaw pa rin ang mahal ko pa
Sana makalimot na ko sa iyo.


            

Taksil na Kaibigan

TAKSIL NA KAIBIGAN
                    ni:katherine galicia

         Hindi lahat ng bagay may patutunguhan, at hindi lahat ng tao mapagkakatiwalaan minsan may mga taong na katabi mo na’t kaibigan mo pa pero pagnakatalikod ka inaahas ka na pala.

Sa bayan ng Maria Clara may nakatirang pamilya, at ito ang pamilyang Mendoza sila’y may nagiisang anak na babae ito’y maganda, matalino, sabi nila nsa kanya na ang lahat dahil sa angkin niyang kakaiba siya ay lumaki sa probinsiya kaya’t may mga bagay na nakasanayan na niya.. Sa kanyang pagdadalaga maraming problema ang kanyang nakaharap. Kaya’t napagpasiyahan ng kanyang magulang na pag-aralin siya sa Manila, para matakasan niya ang mga problemang kinakaharap nila.
Mang Fernan: “anak doon kana muna sa iyong tiyo sa Manila, at doon mo ipagpatuloy ang iyong pag-aaral”
Ally: pero ama, may problema tayong kinakaharap at alam kong kailangan niyo ng tulong ko.
Ginang Ella: Anak hindi mo kailangan na mapangasawa ang lalaking iyon, mas mabuting mawala na lang ang lupa kaysa mapangasawa mo ang lalaking iyon. Dahil lupa lang iyon anak, kaya dun kana muna sa tiyo mo.
Ally: sige po kung ganyan ang pasiya niyo, bukas na bukas din luluwas na ako ng Manila para ipagpatuloy ang aking pag-aaral ko.
Kinabukasan nga si Ally ay lumuwas na ng Manila at ipinagpatuloy ang pag-aaral. Sa tagal ng pamamalagi niya sa Manila, may nakilala siyang babaeng maganda at kaniyang naging kaibigan, sila’y palaging magkasama sa hirap at ginhawa, kaya itinuring nila ang isa’t isa na parang magkapatid.
Hannah: Ally si Edward pala kaibigan ng boyfriend ko.
Edward: HI Ally..
Ally: Hello
J
Ang akala ni Ally ay hindi magsisinungaling ang kanyang kaibigan, kaya pinagkatiwalaan niya ito. Pero makalipas ang ilang buwan ay nililigawan ni Edward si Ally.. at si Hannah naman ay nakipaghiwalay sa kanyang kasintahan, sa hindi malaman na dahilan. At hindi naglaon naging magkasintahan si Ally at Edward.
Pero itong si Hannah ay may balak sa kanyang kaibigan at yun ay balak niyang agawin ang kasintahan ni Ally. Gumawa ito ng paraan para sila’y mapaghiwalay, at ito’y nagwagi
Sinabi ni Hannah kay Edward na may asawa na si Ally sa probinsya kaya sila’y naghiwalay.
Ally: taksil na kaibigan hindi ka totoo, tinurinng kitang kapatid, pero anong ginawa mo siniraan mo ako!!!
Hannah: Ginawa ko lang ang dapat dahil matagal ko ng mahal si Edward pero dumtating ka, nasayo lang lagi ang atensyon niya!! Kaya magkalimutan na tayo, hindi na kita kaibigan simula ngayon!!...
Umiyak ng umiyak si Ally dahil sa ginawa ng kaniyang kaibigan, pinagkatiwalaan niya ito at tinuring na kaibigan. Kaya’t siya ay nag-aral ng mabuti at hindi naglaon siya ay nakagraduate sa kursong HRM. Nakalipas ang ilang maraming taon siya’y nakapagpatayo ng kaniyan sariling bussiness. Pero naalala niya lagi ang kanyang matalik na kaibigan at sinabi niya sa lkanyang isip “ tatanggapin ko pa rin siya as kaibigan”
Di Nagpaalam
ni Katherine Galicia

Unang araw ako’y nasa eskwelahan,
Diko nakita ako’y ‘yong tinabihan.
Ngumingiti pag ‘kay nakatingin sakin,
Di mo lang alam ‘koy kinikilig din.

Sa school nakasama’t nakilala,
Noon classmate kita ngayon ay hindi na.
Lahat ng ala ala na kasama ka,
Ngayon ay nawala na na parang bula.

Pag lagi kitang kasama,laging masaya,
Sa pagmamahal mo’y laging busog sinta.
Ngunit ngayo’y ika’y abala nalang,
Hindi nagpaalam at iniwan nalang.
Ako ngayon ay hinahanap-hanap ka,
Di ka man lang nagpaalam sa akin sinta.
Kaya ako ngayo’y nangungulila na,
San ka na sinta, mahal na mahal kita.





Alaala Nalang
ni Katherine Galicia

Nung nakilala ka ako’y pinalaya,
Lungkot ko’y naglalaho pag ‘kay kasama.
Pag-ibig mo’y binubusog ako sinta.
Pag-aaruga’y di ka nagkulang sinta.

Pagbuhos ng ulan mata’y dinilat ko,
Ko’y nakatulog sa tabi ng puntod mo.
Pinagsamaha’y ala-ala nalang to,
Diko alam kung anong gagawin ko.

Sana’y kasi ako na laging masaya,
Sana kasi ako laging kasama ka.
Pinagsamahan nati’y alaala na,
Kaya ako ngayo’y nangungulila na.

                                                               

Ang Kwento ng Buhay Ko

                           ANG KWENTO NG BUHAY KO
                                                                           ni:rheymond lorenzo


                    Ako si Jane H. Fabroa isinilang noong November 11, 1987 sa Matungao, Bulacan. Ako ay may kakambal ang kanyang pangalan ay Mary Jane H. Fabroa. Ang aking mga magulang  ay sina Teresita Garcia-Hernandez na isang taal na taga Bulacan at si Pebrito Cabanig Fabroa na isang taga Cebu.
Ako ay nagsimulang tumapak ng eskwelahan taong 1993 bilang isang kinder garten sa paaralan ng Matungao Elementary School. Matapos ang taong iyon 1994 kami ay lumipat ng tirahan sa Angeles, Pampanga doon kami nag-aral ng unang baitang hanggang sa ikalawang baitang sa kadahilanang ang aking ama ay nagtayo ng bussiness ngunit matapos malugi sa tinayong negosyo ng aking ama kami ay  muling bumalik sa Bulacan upang doon kami manirahang ulit. Kaya ng kami ay magikatlong baitang ay  bumalik sa Matungao Elementary School hanggang sa ikaanim na baitang. Nang kami ay nag High School sa Guiguinto National Vocational School kami ay ipinasok taong 2000. Di pa kami nakakatapos sa  ng High School nagkaroon na ng isang problema ang aming pamilya na humantong sa paghihiwalay ng aking mga magulang. Kaya sa panahong nag-aaral kami ng High School tanging ang ina ko na lang ang nagtratrabaho para sa amin. Ngunit kami ay napagtapos pa rin niya kami ng High School.
Sa panahong kami ay magkolehiyo nang magkakapatid batid ko na di kami kayang pag-aralin ng sabay ng aming ina sapagkat tanging hanap-buhay ng aking ina ay isang mananahi ng bag. Kaya ako na mismo na nagbigay ng daan sa aking kapatid na mauna siyang mag-aral sa akin ng kolehiyo. Kahit papano ay may isang makatapos sa aming magkakapatid. Kaya noong panahon na iyon kasama ako ng aking ina sa pananahi ng bag upang ipangtustos sa pag-aaral na aking kambal. Habang nag-aaral ang aking kambal ako ay inggit na inggit sa kanya ngunit wala naman akong magagawa kundi maghintay sa aking pagkakataon. Nagtapos aking kambal noong 2008 sa kursong Bachelor of Science Information Technology. Ang makatapos siya ng pag-aaral agad namang nakahanap ng mapsukang trabaho ang aking kambal kaya ako ay pinagpasiyahan niyang pag-aralin ng kolehiyo noong mga panahong iyon ay walang pagsidaln ang saya ko noon. Ako ay nag-aral ng kolehiyo noong 2009 sa kursong DIT Computer Technology. Makalipas ang dalawang taon ako ay nagpatuloy na mag-aral ng kolehiyo ngayon ako ay nasa ikatlong taon sa aking kursong kinuha. Oo mahirap mag-aral, nahihirapan ako ngunit kinaya sa kadahilanang na alam ko na kaya ko ito at may magandang kalalagyan ang taong marunong magtiyaga at maghintay sa buhay. Ito ang kwento ng aking buhay.

                                                                 


Wagas na Pag Ibig

                                            

                                            Wagas na Pag Ibig   
                                                                                            ni Ryan Umalia

                   Sa isang payapang luagar ng Tayabas sa lugar ng Sta Rosa Laguna ay may isang pamilya ang nakatira ang pamilyang Aguinaldo.Sina mang rey at aling marie sila may nag iisang anak na si Angge.Si Angge ay isang mabuting anak masipag at reponsable kaya naman sobrang proud na proud ang mga magulang nito sa kanya isang araw naisipan ng mag anak mamasyal sa lungsod at para makapagsimba at maipasyal ang kanilang anak na si Angge matapos ang maghapon na ngiti sa mga mukha ni Angge ang dala.Dahil sa sobtang enjoy nito sa kanyang pamamasyal dahil minsan minsan lang sila mamasyal kasama ang kanyang pamilya.
        
          Habang lumipas ang bawat segundo ,minuto,oras ,araw buwan at taon lalong nadidiskubre ang tunay na ganda ni Angge.Hindi maikakala na matatawag siyang diyosa dahilan narin ng taglay niyang kakaibang ganda.Ang buhay ni Angge ay simple lamang dahil pawing magsasaka lamang ang hanap buhay nila.Ang kakaibang ganda ni Angge ang nagdala sa kanya ng kakaibang mundo na kung saan malayo sa nakasanayang mundo.Isang umaga araw ng linggo ng maisipan ni Angge ang mamasyal kasama ang kanyang kaibigang si Joy ay nang maisipan ng dalawang dalaga ang mamasyal sa park at duon nakilala ni Angge si Jd na si Jd ay anak ng mayor sa kanilang lugar nila Angge.Nagkakilala ang dalawa at di nagtagal nanging matalik silang magkaibigan dahil naman sa taglay na ganda ni Angge ay di malayong lumalim ang pagtingin ni Jd sa kanya na higit pa sa magkaibigan kaya hindi nagtagal umakyat ng ligaw si Jd kay Angge sa bahay ng dalaga at pumayag ang dalaga dahil pati rin siya ay may lihim na pagtingin sa binata.


                                                         Ikaw Lang
                                                              ni Ryan Umalia

Buong buhay ko ikaw lang siyang tunay
Makakasama ko sa pang habang buhay
Mamahalin ko habang ako ay buhay
Sapagkat ako’y nagmahal ng tunay

Ikaw lang ang patunay sa aking buhay
Kung wala ka ako’y magpapakamatay
Dahil puso ko’y sayo lang nakabatay
Handa akong ialay aking tanging buhay

Pag ibig ko’y sayo ko lang iaalay
Kahit na ako ay humantong sa hukay
Ipaglalaban kita sa iyong nanay
Dahil mahal na mahal kitang tunay.


Three Couples

                                                    Three Couples 
                                                                       ni: Marvin Antonio
    
      Sa probinsya ng Isabela may tatlong magkakaibigan na sina Janjan,nic,at marvin.Sila ay may mga nililigawan na sina mich,dada,jhen,Silay todo effort para sa kanilang mga nililigawan para naman marealize nila ang effort mg tatlo.Silay nagsasabihan ng mga secreto.Silay palaging nagsasama at si Marvin ay sinagot na siya ng kanyang nililigawan na si Jhen at ika17 iyon ng december.Kaya naman ang saya saya naman ng kanyang dalawang kaibigan"paano yun tol sinagot na ako ni jhen"sabi ni marvin."Di congrats tol kung ganon"sabi naman ng dalawa"sana nga susunod na rin kaming dalawa"sabi ni nic"sana nga tol kung ganon"sabi na nga tol sabi ni janjan.At sa mga sumusunod na araw inaasahan pa rin ng dalawa na sasagutin rin sila.At sumapit ang Christmas party  nila marvin sa kanilang paaralan at pupunta naman sila nic at janjan para makita sina mitch at dada.Hindi alam ni marvin at janjan na sinagot na pala ni dada si nic s araw ng christmas program nila .At ika 20 iyon ng december at tsaka lang nalaman nila marvin at janjan ng natapos na ang Christmas program nila .At silay nagkita kita sa kanilang boarding at kinoggrats nila ang dalawa"thank you tol"sabi ni nic.At pagkatapos nun ay may pinuntahan sila janjan at hindi kasama ang dalawa.At nang araw na wala si janjan.Hindi alam ng dalawa na sila na pala ni mitch at janjan at dun na nga masayang umuwi si Janjan na galing sa Nueva Ecija .At ika 22 iyon ng december ito ang araw na sinagot ni mitch si janjan.At dito nabuo ang three couples at gumawa ng group chat si Marvin at dun nga sila palaging nagkwekwentuhan kaung silay online at pinag uusapan ng tatlo ang tungkol sa mga couple t shirt na balak nilang bilhin at kung ano ang disenyong nababagay sa t shirt na bibilhin nila .Aat gusto nilang sorpresahin ang kanilang mga gf.Minsan may mga bagay na hindi nila pinagkakaintindihan kaya naman nagiging dahilan na ito ng kanilang pag aaway.At mas lalo na sila marvin at jhen at minsan nasasabi na nila na gusto nilang magbreak .At itong si Marvin kinekwento naman niya sa dalawang kaibigan niya at tinutulungan naman nila ito para hindi ,mawasak ang three couples kaya naman hanggang ngayon silay nagkakasama pa rin at nag promise sila sa isat isa na walang iwanan at hiwalayan                                                 

Si Mamang Pulis

                         Si Mamang Pulis
                                                 ni: Darwin Carpio
         Isang araw may isang lalaki na nagpunta sa palengke upang mamili ng mga kakailanganing gamit para sa kanyang pagkakarpintero.Nang matapos na siyang bumili at mabayaran ito ay nagmamadali siyang umalis ,dahil madalang lang ang sasakyan papunta sa kanilang baryo.Dahil dito,nabangga niya ang isang pulis.Agad humingi ng paumanhin at ipinaliwanag na nabungo niya ito dahil sa pagmamadali.Nang makalayo na siya ay napansin niyang sumusunod ang pulis ng kanyang nabangga.Sa takot na siya ay maabutan,binilisan niya ang kanyang lakad.Iniisip niya kung malaking kasalanan ba ang makabangga ang isang pulis.Kanya ring naiisip kung may nagawa ba siyang krimen dahilan para habulin siya nito.Ngunit wala!Walang sapat na dahilan.Kung ang dahilan ay dahil nakabangga niya ang pulis,napakababaw naman ata niya ito .Binilisan niya pa ang paglalakad.May sinasabi ang pulis ngunit di niya maintindihan.Litong lito ang kanyang utak.Lakad takbo na ang kaniyang ginawa.Hingal na hingal na siya.Malayo na din siya sa paradahan ng sasakya papunta sa kanila subalit wala siyang magawa dahil baka maabutan siya ng pulis. Ngunit kahit anong bilis niya ay naaabutan pa rin siya nito.Agad na hinawakan ng pulis ang kanyang braso.Napatigil siya.Takot na takot.Malamig ang pawis at nanghihina na ang kaniyang mga tuhod.Nang biglang nagsalita ang pulis at nasabing"manong ang wallet mo.Di sinasadyang mahulog nung nabangga mo ako."Nang marinig ito ay nakahinga siya ng maluwag."Salamat"ang kaniyang sabi"kung di dahil sayo ay baka  di ako makauwi",dagdag pa nito.Lubusan siyang nagpasalamat sa pulis at nagpaalam na din ito.Agad agad niyang tinakbo ang paradahan.Salamat na lamang at may sasakyan pa.
        Nang makasakay na nga ang lalaki,gumaan na ng tuluyan ang kaniyang pakiramdam habang pasimpleng napapangiti dahil sa nangyari.At sa tahanan ng lalaki nai-kwento niya ito sa kanyang pamilya ang nagaganap sa kaniya kanina sa palengke,Hahahaha sabay sabay napatawa ang kaniyang mga anak at kanyang asawa.Pagkalipas nga ng isang linggo,kinakailangan na naman ng lalaki na pumunta s apalengke upang mamili muli ng kaniyang gamit sa kaniyang pagkakarpintero.Di sinasadyang magkatagpo ang dalawa,ang lalaki at si mamang pulis.Parehas napangiti ang dalawa .At humingi ng paumanhin ng lalaki sa pulis dahil sa kaniyang inasal nuon.At sa araw na yun masaya silang nag uusap at nag kwekwentuhan at sa araw na rin iyon naging matalik na magkaibigan silang dalawa.
At sa palaging pagpapalengke ng lalaki ay palagi na rin silang nagkikita.Masaya ang lalaki dahil sa nagkaroon siya ng isang mabait na kaibigan na pulis.







Ang Magulang                                                                                                                                                                                                                           
ni Darwin Carpio
Ang aking magulang tunay kay dakila
Dahil sila samin ay nag-aalaga
Mula pagkabata hanggang sa pagtanda
At sa amin sila'y hindi nagsasawa

Ang aking ama ng aming sambahayan
Ang nagtataguyod sa aming kailangan
Naghahanapbuhay kahit mahirapan
Maibigay lang aming pangangailangan

Kanyang ginagawang araw kahit gabi
At ang puyat man ay isinasantabi
Maibigay lang ang aming minimithi
Tunay na siya,sa amin ay mabuti

Ang aming ina na aming sambahayan
Siya ang naiiwan saming tahanan
Madalas man na kami'y mapagalitan
Ito'y para rin sa aming kapakanan

Siya ang aming gabay sa landas ng buhay
At sa aming pagtulog ay nagbabantay
Pag kami'y lumuluha, siya'y dumadamay
At tunay na kay buti ng aming nanay

Anuman ang mangyari sa mundong ito
Pagmamahal nami'y hindi magbabago
Para sa amin sila aming hero
Tunay na pagmamahal,aming natamo


Oh Giliw ko
ni Darwin Carpio

Pag-ibig ko sayo tunay at totoo
At wala nang hihigit,sayo giliw ko
Ikaw na ang buhay ko dito sa mundo
Sa habang buhay ikaw lang ang mahal ko

Araw-araw ikaw lang gustong kasama
Gusto kong lagi ng kapiling ka sinta
Sa pag-gising,ikaw lang gustong makita
At sa pagtulog gusto kong katabi ka

Hindi ko kakayanin na mawala ka
Dahil buhay ko'y mawawalan ng sigla
Kasi pangarap ko na pakasalan ka
Nang sa gayon habang buhay kang kasama.