Monday, February 20, 2017

Ang Babae sa Puting Nyebe

  Isang araw sa paaralan nga linag high school,Dumating ang isang magandang bulabog at ingay na dala ng isang babae,Ang abg bagong transferre na si Georgia.Nagmula siya sa isang napakalaking paaralan ng kanilang bayan,lumipat raw ito dahil mas malapit at mas matipid.

    Unang pagpasok niya sa kanyang bagong lipat na paaralan,nabalut ng ingay ang mga estudyante.

   "Hi miss cute" ika ng isang lalaki."number mo nga miss", sigaw naman ng isa pang lalaki.Wala namang imik itong si Georgia at tahimik na naglakad patungo sa kanilang classroom..pagoasok niya rito ,nakatingin sa kanya ang boung klase.

  "Pasok".sabi ng kanyang guro. Pumasok naman siya at binigyan siya ng upuan ni Erlie ang pinakamaingay sa kanilang klase.Maari ka bang tumayo at magpakilala sa harapan?Tanong ng kanyang guro." Ako po si Georgia Mendez 15 taong gulang taga Nagali nagmula po ako sa San FernandeZ National High School,"nakangiting pagpapakilala niya sa harapan saka ito bumalik sa kanyang upuan.Pagkatapos ng kanyang klase sa umaga ay lunch break na nila.Kasama niya ang kanyang napacute na pinsan na si Dolly kabatchmate rin niya magkaiba nga lang sila ng section,patungo sila sa canteen."Uyy insan,mukhang andaming ngkakagusto sayo rito ahh!Chixx spotted kumbaga"Sabi ni Dolly."Hindi naman bagong mukha lang ako dito kaya napansin ako",Tugon naman niya.
AT pagkatapos nilang kumain bumalik na sila sa klase.Sa pagpasok ni Georgia nakilala niya si Yvette ang transfere rin ng kanilang klase ngunit nauna lang siya kaysa kay Georgia."Hi Georgia ako pala si Yvette Pablo bago lang din dito,pagbati niya."Hello taga saan ka?"Sagot niya"Taga Cabagon ikaw"tugon ni Yvette."Taga Nagali naman ako",sagot niya.Hanggang sa nagpatuloy sa pagkwekwentuhan ang dalawa.Si Georgia ay maputi singkit payat at matangkad samantalang si Yvette ay chinita,medyo maputi at medyo mataba ngunit pareho silang maganda.Naging malapit ang dalawa at kinalaunay naging matalik na magkaibigan.Isang lalaki naman ang nahumling sa kaygandang ngiti ni Georgia si Ishan isang basketball player at journalist ng kanilang paaralan.Matangos ang ilong ,matangkad at gwapo .Isa siya sa kinababaliwan ng mga babae sa kanilang paaralan.Habang naglalakad ang magbestfriend nakasalubong nila si Ishan.
"HI Georgia nakangiting pagbati niya"
Ngunit nagpatuloy lang sa paglakad su Georgia at dinedma ito."Uyyy grabe ka Georgia di mo man lang napansin si pogi",sumagit ito,"wala akong panahon sa mga ganyang bagay Yvette .Mag aral muna tayo,."Nakikipagkaubigan palang naman ehhh",sabi ni Yvette"kahit na!,sagot niya .Kaya namab tumigil na sa pagdadaldal.Kakaiba talaga si Georgia maganda na,matalino pa.Sa kanilang klase naging aktibo siya at nasasagot ang mga tanong ng kanyang mga guro .Isang science quiz bee ang sinalihan niya at nanalo siya.Tinalo pa niya ang mga higher years ."Georgia ikaw na rin ang sasali sa Disaster Quiz Bee",wika niya.Ako po talaga maam?Sagot niya.,"Oo iha tugon ng kanyang guro"!
Nanalo siya bilang 2nd place .Napahanga niya talaga ang kanyang mga guro.Math wizard pa siya pagkat kasali siya sa tatlong representative ng kanilang curriculum .Naging sikat siya dahil sa angking gandat talino.Eto naman si Ishan ,ang dying hard at hearthrob na nangungulit sa kanya .Bigla siyang nagtext kay Georgia isang gabing iyo.
"HI GEORGIA,si IshanReyes your number one fan at nagkakagusto sayo," wika niya."Ayy hello sayo sagot naman niya.Hanggang sa nagpatuloy sa pakikipagtexan ang dalawa.Ilang araw ang lumipas ,nahulog si Georgia dahil sa sobrang effort at sweet sakanya.Laging naglolong sweet message si Ishan,umaga man o gabi.Niloload niya din ito at tumutulong rin ito sa kanyang mga assignments at project .Nagpatulong rin pala si Ishan kay Yvette na makuha ang number ni Georgia,naging tulay naman si Yvette sa dalawa.Mosh ang naging tawagan ni Ishan at Georgia."Ohh bes kamusta na kayo ni Ishan,tanong ni Yvette?, "ok naman sweet niya pala matalinot masipag pala siya." Oo daw bes,nagpatulong pa nha siya sa akin ehh ,tugon ni Yvette."Ha ikaw talaga bes ahh,sagot ni Georgia .At naputol ang kanilang pag uusap ng tinawag si Georgia ng kanyang guro.Kasali raw siya sa poem writing contest.Pumunta naman siya sa venue ng contest at nadatnan niya si Ishan kasali rin pala iyon.Hindi na niya matatanong pagkat magaling talaga itong si Ishan sa mga essays at poems.Nagsimula na ng contest at isa ang kukunin sa kanila bilang representatives ng kanilabg curriculum.Pagkatapos iyon tinawag nila si Ishan at Georgia.Nag tie ang dalawa parehong maganda at likha ng kanilang tula.Naiwan ang dalawa upang ang mapiling may mas magandang tula ay siyang isasabak.
"Goodluck sayo" wika ni Ishan,Goodluck rin sayo"sagot ni Georgia.Natapos iyon at nanalo si Ishan dahil mas figurative raw ang gawa nito .Nagtext si Ishan ,"Hi mosh hindi ko ginalingan para sayo,gusto kong manalo ka.Sorry ahh gusto mo ikaw na lang?Sasabihin ko kina maam?wika niya!Sumagot naman siya,"Hindi ok lang mish ,mas mgaling ka talaga kaysa sakin.
Pagkatapos kaarawan na niya Hunyo 28 .Nagpatuloy naman si Ishan kay Yvette."Yvette ano ang magandang iregalo kay Georgia".Kahit ano basta galing sayo,espesyal ka naman samin ehh este sakanya,sagot niya"Ikaw talaga sige bu,salamat na labg "sagot ni Ishan.Kinaumagahan may dala dalang tatlong pulang rosas at napakalaking plastik na puno ng chichirya si Roy ang isa sa matalik na kaubigan ni Ishan." Georgia happy birthday para sayo raw ohh galing kay Ishan,nahihiya raw siyang magbigay nito sayo tska meron silang laro wika niya saka abot ang regalo."Grabe talaga si Ishan nag abala pa talaga siya pakisabi salamat ahh "sagot ni Georgia? kinilig naman itong si Georgia pati na rin ang kanyang mga kaklase at si Yvette." Gwapo na matalino pa,todo effort pa,wika ni Yvette?Sumagot naman siya,ikaw talaga oh" nagsihingian naman ang kanyang mga kaklase .Intrams na nila .Isasabak nila sa Ms Intrams si Georgia at partner na si Ishan .Sa kanilang practice nagkita ang dalawa ."Panigurado na ikaw na ang mananali pati na rin sa puso ko.pangiting sabi ni Ishan?Sumagot naman ito di hamak na mas mganda matalino ang mga higher years"Hindi tiwala lang tugon ni Ishan .Napakalakas ang tilian at sigawan ng mga estudyante nang magrampa si Ishan at Georgia ,kumbaga sa kape perfect blend sila,perfect match at perfect couple na rin.Muntikan ng manali si Georgia 1St runner up siya samntalang 3rd runner nman itong si Ishan.Isang araw habang nagsabay na naglakad ang magbestfriensd napansin niya na tila nagbago si Yvette,tila umiiwas ito sa kanya ."Yvette anong problema?Bakit ka nagkakaganyan ",tanong niya.Tumakbo naman papalayo itong si Yvette.Ilang araw ang lumipas hindi pa rin sila nagpapansinan at nag uusap patuloy na umiiwas itong si Yvette .Nagtaka suya kung bakit nagkaganoon siya.Habang nkaupo nman itong si Georgia,lumapit si Ivanna sa kanya ang bakla niyang kaklase .Sabi niya,*Alam ko Georgia kung bakit nagkakaganun si Yvette " Sagot naman ni Georgia,"Ha ano iyon Ivanna ?tugon ni Ivanna ,"Dahil yun sa mosh mo ,may gusto siya kay Ishan.Nagulat siya umalis papalayo at saka umiyak ,gulat na gulat siya sa kanyang narinig.Lumupas ang araw tila nagbago na rin ang pakikitungo sa kanya ni Ishan hindi na siya masyadong nagtext ,yun pala may gusto na siya kay Yvette.Nalaman niya ito aa kanya ."Ishan may gusto ka pala sa bestfriend ko !sigaw niya"Sumagot ito,"Sorry naguguluhan ako .Im sorry",Tumakbo ito papalayo.
"Hayy nako Georgia Kung sino pa ang tulay siya napala ang mas magugustuhan !" Sabu ni Ivanna.Tumahimik naman ito.Inisip ni Georgia na mas piiliin niya na lang mag aral ayaw niyang masaktan ang kanyang bestfriend ,at pahahalgahan na lang niya ang kanilang pagkaksibigan,sabi niya mas magiging selfish siya kung patuliy niyang iibign si Ishan samantalang si Yvette ay patuloy namang masasaktan.Kaya naman nagparaya itong si Georgia.Isang araw sa sobrang pagod niya sa paglalaba na ksama ang tatay niya,napahinga siya sa kanilang papag.Bigla siyang nanaginip,masaya raw niyang kasama ang kanyang ama na nakikipagkwentuhan ngunit bigla raw itong namatay sa panaginip,napaiyak nalang siya gusto na niyang magising yun pala mulat na mulat napala abg kanyang mga mata,totoo nga.Patay napala ang kanyag ama dahil sa sakit na highbood na biglang umatake sa kanya.Sobrang depressed at stress si Georgia.Bigla namang tumawag itong si Ishan sa kanya."Asan ka "?tanong ni Ishan.Nandito ako sa taas ng gusali ,magpapakamatay na !Pasigaw niyang sagot." Huwag !Papunta na ako riyan."Pigil naman ni Ishan .
Nagsisigaw  sigaw si Georgia roon "Ayaw ko ng mabuhay pa!Nawala na nga yung taong mahal ko .pati ba naman tatay ko!Gusto ko ng mamatay!Sobrang sakit! Nang biglang may sumigaw na ." Huwagggg nandito pa ako.Nalingon si Georgia .Inabot namsn ang kamay ni Ishan kay Georgia at pinababa ito sa kanyang mataas na pwesto."Sorry Georgia nariti na ako dina kita iiwan ,sorry at iba pinili ko,sorry talaga.Narito na ako dadamayan ka at di iiwan pang muli.Wala na kani ni Yvette .Siya na ang nakipaghiwalay sakin.Kaya siya nagkagusto sakin dahil nakiita niya sa ajin ang kanyang pinakamamahal na ex bf.Pagpapaluwang naman ni Ishan .Saka niya niyakap si Georgia.Nagpupumiglas naman itong si Georgia  at pilit na pinapalayo si Ishan.Ngunit di tumigil si Ishan naiyak na rin siya gaya ni Georgia.Alam mo bang labis kitang minamahal at di yun nagbago grabe na tong sakit na nadarama ko.sagot nu Georgia?
"Hindi na kita iiwan at ipagpapalit kailanman .Mahal na mahal kita Georgia ikaw lang ang nag iisang babaeng mamahalin ko ,ang babae sa puting nyebe", sagot naman ni Ishan.At yun nga nagkayos ang dalawa saka sila umuwi sa bahay nila Georgia ,unag araw naman nag lamay ng kanyang tatay at napakaraming tao rooon.Nagkatuluyan naman ang dalawa at nagpatuloy pa sa pag aaral.


Bayaning Ama
ni Gemalyn Ingaran

Kay bait na ama ang mayroon ako
Natatanging asal kami'y magkasundo
Suot ang nakakahumaling na ngiti
At sa pag irog niya'y napawi ang hikbi

Gawaing bahay ay kaniyang inaako
Pagkat wala siyang permanenteng trabaho
Alagang hayop kaniyang inaaruga
At aming mga damit siyang naglalaba

Iniibig kong amay mayroon siyang bisyo
Inom ng alak at paninigarilyo
Subalit katamaran kaniyang winaksi
Gawaing bahay kaniyang inatubili

Kaming mga anak,siya'y "Dakilang Ama"
Lubos siyang minahal,wala ng iba
Lumisan man siya sa puso'y nanatili
Ipinagmamalaki'y amang bayani.


Hiwagang Lambot Sa Tigas Ng Tindig
ni Gemalyn Ingaran

Unang pagkikita puso ko'y nahulog
Nakahuhumaling na ngiti ang handog
Ipinadama ang pag ibig na wagas
Na tila ang bukas ay wala ng wakas

Ngunit ligaya'y panandalian lamang
Pagkat tunay na anyo ay naging hadlang
Sa tigas ng tindig ay pusong kay lambot
Daig pa ang babae sa kaniyang kembot

Ako'y naging sawi at panakip butas
Siya'y nagbalat-kayo naging asal ahas
Pagkat di pala binibini ang ibig
Asam niya'y kapwang lalaking tikas tindig

Siya lang ang diyos ang ganda't kagwapuhan
At ang hari't reyna rin ng kataksilan
At sa wakas hikbi'y napawi sa buhay
Hilom na ang sugat,kami na'y hiwalay.


No comments:

Post a Comment