"Allan,tara na!" sigaw sakin ng barkada kong si Rico isang araw pupunta kami sa kalapit barangay upang makipaglaro ng basketball.Halos araw araw ganito ang takbo ng buhay naming walo pagkatapos ng gawaing bahay,magtitipon tipon at ginagawa kung anuman ang maisip naming gawin."Oyy tol Ikaw na lang ang hinihintay "wag ka ngang pa VIP" pang aasar naman sakin ni Lito saka tatawa ng malakas.Ang totooy ayaw ni mama na sumasama kami ni kuya tonio sa barkada dahit dito raw masisira ang aming mga buhay.Dito raw kami magiging masama,malulong sa anumang bisyo at matuto ng mga bagay bagay na hindi dapat.Hindi namin mauunawaan si mama,okey naman ang tropa namin at isa pa masaya kami ni kuya pag kasama na namin ang tropa .Oo ngat may mga kalokohan kaming mga ginagawa pero isa lamabg iyong kalokohan ng barkada .Madalas kaming sitahin ng mga tito at tita namin pero kaming waloy magteteng ang kawali ,ipinagpapatuloy pa rin ang magandng samahan ."Karera tayo.Ang mahuliy manlilibre ng pansit at coke !"paghahamak ni Mar."Sige ba ,bastat ikaw ang magmamaneho".Sagot ko at tumawa na ang lahat ."Sige at papaliparin ko tong motor haha!"
walang mga paa si Mar gawa ng siya ay may sakit .Matalino siya ngunit di na nagpatuloy sa pag aaral dahil sa kalagayan niya.Lagi siyang npagtritripan ng barkada,palagi namin siyang pinagkakaisahan pero kahit na ganoon hindi siya napipikon bagkus nakiki ride on pa ito.Mabait si Mar lagi siya ang sumasagot sa mga meryenda ng barkada at pag may lakad singkwenta porsyento ng gastos ay sakanya.Maykaya ang pamilya niya at dahil doon di maipagkaila na may kayabangan siya bgay na kinaiinisan minsan ng buong tropa ."Shot tayo mamaya mga tol a magse celebrate tayo,yaya ni Brando matapos kaming manalo sa pustahan.Kaedaran ni kuya tonio si Brando masipag,mabait pero lasinggero .Siya ang nangunguna sa inuman.Sa iisang bahay kami natutulog kumbaga mayroon kaming boarding house.Doon nag iinuman ang tropa.Nagkakantahan pa ng habang tumutungga sila at ako naman ang taga gitara ,nakaharap ako sa mesa pero hindi ako umiinom.Kinukutya nga ako ng tropa na balang araw ay mawawalan na ako ng kaibigan dahil pagdating ng araw ay mamatay na sila at ako nalang ang maiiwan.Masaya kaming lahat nagkwekwentuhan ,nagtatawanan at syempre hindi maiiwasan ang kaangasan naming walo.
"Pupunta tayi ng Sta ana bukas" si Mar
"Ako na sa kalahati ng gasolina" tugon ni Lito"
"Hindi ako na,ibigay mo na lang kay lito yung kalahati kawawa naman ni pambili nga ng colgate wala siya kaya di bumabango ang hininga niya Hahaha" si Berto
"Gago ka a!anong tingin mo sakin ?Makapagsalita ka kala mo may ibubuga ,e iniwan ka nga ng syota mo kasi bobo ka!" si lito???
"Oyy tama na yan lasing na kayo mga tol" pang aawat ni Roy."Hindi ako bobo hyop ka !Gusto mo suntukan nalang e"pasigaw na sabi ni Berto.
"Oyy tama nayan awat ko." Tulog na tayo nga tol lasing na kayo".
"Kung gusto niyo magkanya kanya na lang tayo" Wala kayong kwenta bwiset! si Lito.
"Sige magkanya kanya na tayo mga gago kayo !" dagdag ni Brando na lasing na.
Umuwi agad si Lito sa bahay nila,ganoon din si Mar,Rico at Berto.May kanya kanya talagang ugali ang bawat isa.Mataas ang pride.At sa sobrang biruan nagkakasakitan na.Naiwan kaming tatlo sa boarding si kuya si Roy at ako.Yun ang masama pag nalamon ng alcohol ang buong sistema mabuti na lamang hindi sila nasuntukan.Natapos ang gabing iyon hindi na sila nagpapansinan.Pati kamiy idinadamay.Kung dadaan si Mar sa bahay ay di na niya kami kinikibuan ganun din pag silay nagkakasalubong ni Lito.Masakit sa damdamin na makitang ganoon ang sinapit ng aming samahan.Akala ko ay nagpapalamig lang sila ng ulo ngunit lumipas ang mga araw at linggo ay hindi pa rin sila nagpapansinan.Ang mga alaala at aming magandang samahan ay nawasak dahil sa hindi pagkakaintindihan.Lumipas na ang maraming buwan ay ganun pa din ang kalagayan ng barkada .Si kuya tonio ,Roy at ako na lang ngayon ang magkakasama at naghihinayang .Hanggang ngayon ay wala pa ring kibuan at pansinan.Nagyari nga ang tinuruan ni Lito at nu Brandong magkanya kaniya na lang.Ang lahat ng aming pinagdaanan mga masasayang araw na pinagsaluhan at pangakong walang iwanan ay isang alaala na lang.
Binibini
ni Allan Antonio
Aking mahal na magandang binibini
Ikaw lang ang nasa isip tuwing gabi
Sa pagtulog ikaw ang panaginip ko
Sa paggising ikaw pa rin o sinta ko
Nais sanang ikaw ay makapiling ko
Kasa kasama hanggang sa pagtanda ko
Hindi mahirap,ako'y mapaibig mo
Sa iyong ganda at busilak na puso
Ako'y lubos na humahanga sa iyo
Hindi ko matanto kung bakit ganito
Sana'y masagot mo ang ninanais
Na mapagbigyan ang pusong uhaw sayo
Wala akong maipapangako sayo
Pero tandaang mahal kita sinta ko
Gagawin lahat para lang sa iyo
Ipaglalaban kahit ikamatay ko.
Kaibiganni Allan Antonio
Aking mahal na magandang binibini
Ikaw lang ang nasa isip tuwing gabi
Sa pagtulog ikaw ang panaginip ko
Sa paggising ikaw pa rin o sinta ko
Nais sanang ikaw ay makapiling ko
Kasa kasama hanggang sa pagtanda ko
Hindi mahirap,ako'y mapaibig mo
Sa iyong ganda at busilak na puso
Ako'y lubos na humahanga sa iyo
Hindi ko matanto kung bakit ganito
Sana'y masagot mo ang ninanais
Na mapagbigyan ang pusong uhaw sayo
Wala akong maipapangako sayo
Pero tandaang mahal kita sinta ko
Gagawin lahat para lang sa iyo
Ipaglalaban kahit ikamatay ko.
ni Allan Antonio
Ang kaibigan mapagmahal at tapat
Hindi ka iiwaan man mapadpad
Sasamahan kahit saan makarating
Kaagapay sa pagabot ng mithiin
Madami man ang pagsubok na dumaan
Lagi lang siyang nandiyan,hindi ka iiwan
Kahit siya pa ma'y hindi mo kailangan
Sa anumang bagay,siya'y maaasahan
Matalik na kaibigan,laging nandiyan
Kapag kailangan siya'y malalapitan
Kapag sa kalokohan siya ay karamay
Walang bibitaw kahit pa ikamatay
Siya ay isang mapagkakatiwalaan
Sa yong problema,ika'y matutulungan
Kanya'y lumapit,ika'y pagsasabihan
Gagawin lahat mapasaya ka lamang.
No comments:
Post a Comment