Wednesday, February 22, 2017

Ang Batang Pasaway

                                                                 Ang Batang Pasaway
                                                                   ni Ric J Gannaban

Noong unang panahon may isang batang nagngangalang Joshua na napakatigas ng ulo at hindi marunong gumalang sa magulang at iba pang tao.Lagi siyang pinapagalitan bg kanyang ina dahil ubod ng pasaway.Anak pagbili mo nga ako ng makakain at akoy magsasaing wika ng kanyang ina ngunit umumik si Joshua at umalis na lang.Hirap na hirap ang kanyang mga magulang na magtrabaho upang makapag aral lamang siya.Si Joshua ay hindi pumapasok sa paaralan kapag walang baon na naibibigay "Anak wala muna akong maibibigay sayong baon wala pa kasing sweldo ang iyong ama total malapit lang naman ang paaralan sa ating bahay" wika ng kanyang ina.Ayokong pumasok kung wala kayong ibibigay na pera sambit ni Joshua.
Nawawalan na ng ganang pag aralin ang kanyang anak dahil halos araw araw ay naipapatawag siya sa paaralan dahil sa kalokohan ng kanyang anak pati ang kanyang guro na si Ms Reyes ay inis na inis din sa pag uugali ni Joshua.Joshua di na kakatuwa ang pinaggawa mo sa iyong mg kapwa kamag aral sabi ng kanyang guro.Pag uwi ng bahay diretso na agad siya sa palaruan upang maglaro imbes na tumulong sa gawaing bahay .Lingid sa kaalaman ni Joshua na may iniindang sakit ang kanyang ina.
Anak pagigig mo nga ako ng tubig at hugasan ang mga pinggan sabi ng kanyang ina ngunit matigas ang ulo niya at umalis ng bahay.Di niya pinakinggan ang utos ng kanyang ina,nagkusa ang kanyang ina na gawin ang mga iyon.Pagid na pagod  na si Joshua na makipaglaro.Braf uwi na ako pagod na ako at kailangab ko ng kumain dahil gutom na gutom na ako ,sabi ni Joshua "?sa kanyang kaibigan na sina kram at niwrad.Habang naglalakad pauwi ng makita niyang maraming tao sa kanilang bahay.Ano kaya ang nangyayari sa bahay namin alam ko wala namang okasyon ngayon aa bahay tanung nu Joshua sa sarili.Dali daling lumakad si Joshua upang tignan ang nangyayari sa kanilang bahay .Nang makarating na siya sa kanyang bahay.Nakahandusay ang kanyang ina at nakapatong ang ulo sa hita ng kanyang ama at wala ng hinga.Sa pangyayaring iyon napagtanto ni Joshua ang lahat ng kanyang kamalian ngunit hulu na ang lahat para magsisi wala na ang kanyang ina na walang sawang nagngangaral sa kanya.Simula noon nagiging magalang at masipag na si Joshua laking gulat ng kanyang ama sa pagbabago ni Joshua at hanga siya sa kanyang anak.

                                                       Ang Aking Pag Ibig
ni Ric J Gannaban

Sana lahat ng bagay ay meron ako
Bagay na mamahalin ako ng todo
Ngunit pano ko magagawa lahat to?
Kung sa huli ako yung pinili mo

Tama na kupido puso'y pinaglaro
Ang pagmamahal ay di lang basta biro
Bakit sa isip ko siyay gumugulo
Ang taong di man lang marunong sumalo

Isa lang naman ang pinapangarap ko
At yun ang mahalin mo ang katulad ko
Sa araw na sinabi kong mahal kita
Yun ang dahilan ng pag iwas mo sinta

Di akalaing akoy iwasan mo
Noong nalaman mong ikaw ang mahal ko
Sana kasi inilihim ko na lang ito
Para puso natin di na pinaglaro.


                                                             



Pag Ibig Na Wagas
ni Ric J Gannaban

Ano pa ang dapat ko na ipaglaban
Sa bagay na walang kasigiraduhan
Kung wala naman itong patutunguhan
Itigil mo na ng di ka mahirapan

Subalit kung tunay ang nararamdaman
Dapat ipaglaban at wag pakawalan
Sapagkat ikaw ay malaking kawalan
Mamahalin ka at papahalagahan

Mahal na mahal kita at di iiwan
Gagawin ang lahat wag ka lang lumisan
Sapagkat ang dulo nito'y kalungkutan
Dahil ikaw lang ang aking kasiglahan

Mamahalin at hindi pababayaan
Ituturing kita bilang kamahalan
Nahuhumaling sa iyong kagandahan
                                            Ikay aalagaan magpakailan man.    

Tuesday, February 21, 2017

Alaala Na Lang

Lumaki kaming sama sama ng tropa dito sa Brgy Highway Hills sa Mandaluyong dito na rin kami umusbong at tinubuan ng naghahabaang mga sungay.Simula pagkabatay magkakasama na kaming walo-Rico,Lito,Brando,Roy,Mar,Berto, at ang kuya kong si Tonio.Sa mga lakad ay walang naiiwan ni isa,sa bawat kalokohan sangkot kaming lahat ,walang iwanan at walang kj.Kilala nga ang aming tropa sa aming barangay dahil sa mga kalokohang ginagawa namin araw araw .Kahit kung minsan pinagbabawalan na kami ng aming mga magulang  na magsama sama di parin kami natitinag .Masaya kaming walo pag nagkakasama na kami lalo na pagsapit ng sabado at linggo dahil makakagala kami saan man namin gustuhin.
"Allan,tara na!" sigaw sakin ng barkada kong si Rico  isang araw pupunta kami sa kalapit barangay upang makipaglaro ng basketball.Halos araw araw ganito ang takbo ng buhay naming walo pagkatapos ng gawaing bahay,magtitipon tipon at ginagawa kung anuman ang maisip naming gawin."Oyy tol Ikaw na lang ang hinihintay "wag ka ngang pa VIP" pang aasar naman sakin ni Lito saka tatawa ng malakas.Ang totooy ayaw ni mama na sumasama kami ni kuya tonio sa barkada dahit dito raw masisira ang aming mga buhay.Dito raw kami magiging masama,malulong sa anumang bisyo at matuto ng mga bagay bagay na hindi dapat.Hindi namin mauunawaan si mama,okey naman ang tropa  namin at isa pa masaya kami ni kuya pag kasama na namin ang tropa .Oo ngat may mga kalokohan kaming mga ginagawa pero isa lamabg iyong kalokohan ng barkada .Madalas kaming sitahin ng mga tito at tita namin pero kaming waloy magteteng ang kawali ,ipinagpapatuloy pa rin ang magandng samahan ."Karera tayo.Ang mahuliy manlilibre ng pansit at coke !"paghahamak ni Mar."Sige ba ,bastat ikaw ang magmamaneho".Sagot ko at tumawa na ang lahat ."Sige at papaliparin ko tong motor haha!"
walang mga paa si Mar gawa ng siya ay may sakit .Matalino siya ngunit di  na nagpatuloy sa pag aaral dahil sa kalagayan niya.Lagi siyang npagtritripan ng barkada,palagi namin siyang pinagkakaisahan pero kahit na ganoon hindi siya napipikon bagkus nakiki ride on pa ito.Mabait si Mar lagi siya ang sumasagot sa mga meryenda ng barkada at pag may lakad singkwenta porsyento ng gastos ay sakanya.Maykaya ang pamilya niya at dahil doon di maipagkaila na may kayabangan siya bgay na kinaiinisan minsan ng buong tropa ."Shot tayo mamaya mga tol a magse celebrate  tayo,yaya ni Brando matapos kaming manalo sa pustahan.Kaedaran ni kuya tonio si Brando masipag,mabait pero lasinggero .Siya ang nangunguna sa inuman.Sa iisang bahay kami natutulog kumbaga mayroon kaming boarding house.Doon nag iinuman ang tropa.Nagkakantahan pa ng habang tumutungga sila at ako naman ang taga gitara ,nakaharap ako sa mesa pero hindi ako umiinom.Kinukutya nga ako ng tropa na balang araw ay mawawalan na ako ng kaibigan dahil pagdating ng araw ay mamatay na sila at ako nalang ang maiiwan.Masaya kaming lahat nagkwekwentuhan ,nagtatawanan at syempre hindi maiiwasan ang kaangasan naming walo.
"Pupunta tayi ng Sta ana bukas" si Mar
"Ako na sa kalahati ng gasolina" tugon ni Lito"
"Hindi ako na,ibigay mo na lang kay lito yung kalahati kawawa naman ni pambili nga ng colgate wala siya kaya di bumabango ang hininga niya Hahaha" si Berto
"Gago ka a!anong tingin mo sakin ?Makapagsalita ka kala mo may ibubuga ,e iniwan ka nga ng syota mo kasi bobo ka!" si lito???
"Oyy tama na yan lasing na kayo mga tol" pang aawat ni Roy."Hindi ako bobo hyop ka !Gusto mo suntukan nalang e"pasigaw na sabi ni Berto.
"Oyy tama nayan awat ko." Tulog na tayo nga tol lasing na kayo".
"Kung gusto niyo magkanya kanya na lang tayo" Wala kayong kwenta bwiset! si Lito.
"Sige magkanya kanya na tayo mga gago kayo !" dagdag ni Brando na lasing na.
Umuwi agad si Lito sa bahay nila,ganoon din si Mar,Rico at Berto.May kanya kanya talagang ugali ang bawat isa.Mataas ang pride.At sa sobrang biruan nagkakasakitan na.Naiwan kaming tatlo sa boarding  si kuya si Roy at ako.Yun ang masama pag nalamon ng alcohol ang buong sistema mabuti na lamang hindi sila nasuntukan.Natapos ang gabing iyon hindi na sila nagpapansinan.Pati kamiy idinadamay.Kung dadaan si Mar sa bahay ay di na niya kami kinikibuan ganun din pag silay nagkakasalubong ni Lito.Masakit sa damdamin na makitang ganoon ang sinapit ng aming samahan.Akala ko ay nagpapalamig lang sila ng ulo ngunit lumipas ang mga araw at linggo ay hindi pa rin sila nagpapansinan.Ang mga alaala at aming magandang samahan ay nawasak dahil sa hindi pagkakaintindihan.Lumipas na ang maraming buwan ay ganun pa din ang kalagayan ng barkada .Si kuya tonio ,Roy at ako na lang ngayon ang magkakasama at naghihinayang .Hanggang ngayon ay wala pa ring kibuan at pansinan.Nagyari nga ang tinuruan ni Lito at nu Brandong magkanya kaniya na lang.Ang lahat ng aming pinagdaanan mga masasayang araw na pinagsaluhan at pangakong walang iwanan ay isang alaala na lang.



Binibini
ni Allan Antonio

Aking mahal na magandang binibini
Ikaw lang ang nasa isip tuwing gabi
Sa pagtulog ikaw ang panaginip ko
Sa paggising ikaw pa rin o sinta ko

Nais sanang ikaw ay makapiling ko
Kasa kasama hanggang sa pagtanda ko
Hindi mahirap,ako'y mapaibig mo
Sa iyong ganda at busilak na puso

Ako'y lubos na humahanga sa iyo
Hindi ko matanto kung bakit ganito
Sana'y masagot mo ang ninanais
Na mapagbigyan ang pusong uhaw sayo

Wala akong maipapangako sayo
Pero tandaang mahal kita sinta ko
Gagawin lahat para lang sa iyo
Ipaglalaban kahit ikamatay ko.


Kaibigan
ni Allan Antonio

Ang kaibigan mapagmahal at tapat
Hindi ka iiwaan man mapadpad
Sasamahan kahit saan makarating
Kaagapay sa pagabot ng mithiin

Madami man ang pagsubok na dumaan
Lagi lang siyang nandiyan,hindi ka iiwan
Kahit siya pa ma'y hindi mo kailangan
Sa anumang bagay,siya'y maaasahan

Matalik na kaibigan,laging nandiyan
Kapag kailangan siya'y malalapitan
Kapag sa kalokohan siya ay karamay
Walang bibitaw kahit pa ikamatay

Siya ay isang mapagkakatiwalaan
Sa yong problema,ika'y matutulungan
Kanya'y lumapit,ika'y pagsasabihan
Gagawin lahat mapasaya ka lamang.


Monday, February 20, 2017

Ang Babae sa Puting Nyebe

  Isang araw sa paaralan nga linag high school,Dumating ang isang magandang bulabog at ingay na dala ng isang babae,Ang abg bagong transferre na si Georgia.Nagmula siya sa isang napakalaking paaralan ng kanilang bayan,lumipat raw ito dahil mas malapit at mas matipid.

    Unang pagpasok niya sa kanyang bagong lipat na paaralan,nabalut ng ingay ang mga estudyante.

   "Hi miss cute" ika ng isang lalaki."number mo nga miss", sigaw naman ng isa pang lalaki.Wala namang imik itong si Georgia at tahimik na naglakad patungo sa kanilang classroom..pagoasok niya rito ,nakatingin sa kanya ang boung klase.

  "Pasok".sabi ng kanyang guro. Pumasok naman siya at binigyan siya ng upuan ni Erlie ang pinakamaingay sa kanilang klase.Maari ka bang tumayo at magpakilala sa harapan?Tanong ng kanyang guro." Ako po si Georgia Mendez 15 taong gulang taga Nagali nagmula po ako sa San FernandeZ National High School,"nakangiting pagpapakilala niya sa harapan saka ito bumalik sa kanyang upuan.Pagkatapos ng kanyang klase sa umaga ay lunch break na nila.Kasama niya ang kanyang napacute na pinsan na si Dolly kabatchmate rin niya magkaiba nga lang sila ng section,patungo sila sa canteen."Uyy insan,mukhang andaming ngkakagusto sayo rito ahh!Chixx spotted kumbaga"Sabi ni Dolly."Hindi naman bagong mukha lang ako dito kaya napansin ako",Tugon naman niya.
AT pagkatapos nilang kumain bumalik na sila sa klase.Sa pagpasok ni Georgia nakilala niya si Yvette ang transfere rin ng kanilang klase ngunit nauna lang siya kaysa kay Georgia."Hi Georgia ako pala si Yvette Pablo bago lang din dito,pagbati niya."Hello taga saan ka?"Sagot niya"Taga Cabagon ikaw"tugon ni Yvette."Taga Nagali naman ako",sagot niya.Hanggang sa nagpatuloy sa pagkwekwentuhan ang dalawa.Si Georgia ay maputi singkit payat at matangkad samantalang si Yvette ay chinita,medyo maputi at medyo mataba ngunit pareho silang maganda.Naging malapit ang dalawa at kinalaunay naging matalik na magkaibigan.Isang lalaki naman ang nahumling sa kaygandang ngiti ni Georgia si Ishan isang basketball player at journalist ng kanilang paaralan.Matangos ang ilong ,matangkad at gwapo .Isa siya sa kinababaliwan ng mga babae sa kanilang paaralan.Habang naglalakad ang magbestfriend nakasalubong nila si Ishan.
"HI Georgia nakangiting pagbati niya"
Ngunit nagpatuloy lang sa paglakad su Georgia at dinedma ito."Uyyy grabe ka Georgia di mo man lang napansin si pogi",sumagit ito,"wala akong panahon sa mga ganyang bagay Yvette .Mag aral muna tayo,."Nakikipagkaubigan palang naman ehhh",sabi ni Yvette"kahit na!,sagot niya .Kaya namab tumigil na sa pagdadaldal.Kakaiba talaga si Georgia maganda na,matalino pa.Sa kanilang klase naging aktibo siya at nasasagot ang mga tanong ng kanyang mga guro .Isang science quiz bee ang sinalihan niya at nanalo siya.Tinalo pa niya ang mga higher years ."Georgia ikaw na rin ang sasali sa Disaster Quiz Bee",wika niya.Ako po talaga maam?Sagot niya.,"Oo iha tugon ng kanyang guro"!
Nanalo siya bilang 2nd place .Napahanga niya talaga ang kanyang mga guro.Math wizard pa siya pagkat kasali siya sa tatlong representative ng kanilang curriculum .Naging sikat siya dahil sa angking gandat talino.Eto naman si Ishan ,ang dying hard at hearthrob na nangungulit sa kanya .Bigla siyang nagtext kay Georgia isang gabing iyo.
"HI GEORGIA,si IshanReyes your number one fan at nagkakagusto sayo," wika niya."Ayy hello sayo sagot naman niya.Hanggang sa nagpatuloy sa pakikipagtexan ang dalawa.Ilang araw ang lumipas ,nahulog si Georgia dahil sa sobrang effort at sweet sakanya.Laging naglolong sweet message si Ishan,umaga man o gabi.Niloload niya din ito at tumutulong rin ito sa kanyang mga assignments at project .Nagpatulong rin pala si Ishan kay Yvette na makuha ang number ni Georgia,naging tulay naman si Yvette sa dalawa.Mosh ang naging tawagan ni Ishan at Georgia."Ohh bes kamusta na kayo ni Ishan,tanong ni Yvette?, "ok naman sweet niya pala matalinot masipag pala siya." Oo daw bes,nagpatulong pa nha siya sa akin ehh ,tugon ni Yvette."Ha ikaw talaga bes ahh,sagot ni Georgia .At naputol ang kanilang pag uusap ng tinawag si Georgia ng kanyang guro.Kasali raw siya sa poem writing contest.Pumunta naman siya sa venue ng contest at nadatnan niya si Ishan kasali rin pala iyon.Hindi na niya matatanong pagkat magaling talaga itong si Ishan sa mga essays at poems.Nagsimula na ng contest at isa ang kukunin sa kanila bilang representatives ng kanilabg curriculum.Pagkatapos iyon tinawag nila si Ishan at Georgia.Nag tie ang dalawa parehong maganda at likha ng kanilang tula.Naiwan ang dalawa upang ang mapiling may mas magandang tula ay siyang isasabak.
"Goodluck sayo" wika ni Ishan,Goodluck rin sayo"sagot ni Georgia.Natapos iyon at nanalo si Ishan dahil mas figurative raw ang gawa nito .Nagtext si Ishan ,"Hi mosh hindi ko ginalingan para sayo,gusto kong manalo ka.Sorry ahh gusto mo ikaw na lang?Sasabihin ko kina maam?wika niya!Sumagot naman siya,"Hindi ok lang mish ,mas mgaling ka talaga kaysa sakin.
Pagkatapos kaarawan na niya Hunyo 28 .Nagpatuloy naman si Ishan kay Yvette."Yvette ano ang magandang iregalo kay Georgia".Kahit ano basta galing sayo,espesyal ka naman samin ehh este sakanya,sagot niya"Ikaw talaga sige bu,salamat na labg "sagot ni Ishan.Kinaumagahan may dala dalang tatlong pulang rosas at napakalaking plastik na puno ng chichirya si Roy ang isa sa matalik na kaubigan ni Ishan." Georgia happy birthday para sayo raw ohh galing kay Ishan,nahihiya raw siyang magbigay nito sayo tska meron silang laro wika niya saka abot ang regalo."Grabe talaga si Ishan nag abala pa talaga siya pakisabi salamat ahh "sagot ni Georgia? kinilig naman itong si Georgia pati na rin ang kanyang mga kaklase at si Yvette." Gwapo na matalino pa,todo effort pa,wika ni Yvette?Sumagot naman siya,ikaw talaga oh" nagsihingian naman ang kanyang mga kaklase .Intrams na nila .Isasabak nila sa Ms Intrams si Georgia at partner na si Ishan .Sa kanilang practice nagkita ang dalawa ."Panigurado na ikaw na ang mananali pati na rin sa puso ko.pangiting sabi ni Ishan?Sumagot naman ito di hamak na mas mganda matalino ang mga higher years"Hindi tiwala lang tugon ni Ishan .Napakalakas ang tilian at sigawan ng mga estudyante nang magrampa si Ishan at Georgia ,kumbaga sa kape perfect blend sila,perfect match at perfect couple na rin.Muntikan ng manali si Georgia 1St runner up siya samntalang 3rd runner nman itong si Ishan.Isang araw habang nagsabay na naglakad ang magbestfriensd napansin niya na tila nagbago si Yvette,tila umiiwas ito sa kanya ."Yvette anong problema?Bakit ka nagkakaganyan ",tanong niya.Tumakbo naman papalayo itong si Yvette.Ilang araw ang lumipas hindi pa rin sila nagpapansinan at nag uusap patuloy na umiiwas itong si Yvette .Nagtaka suya kung bakit nagkaganoon siya.Habang nkaupo nman itong si Georgia,lumapit si Ivanna sa kanya ang bakla niyang kaklase .Sabi niya,*Alam ko Georgia kung bakit nagkakaganun si Yvette " Sagot naman ni Georgia,"Ha ano iyon Ivanna ?tugon ni Ivanna ,"Dahil yun sa mosh mo ,may gusto siya kay Ishan.Nagulat siya umalis papalayo at saka umiyak ,gulat na gulat siya sa kanyang narinig.Lumupas ang araw tila nagbago na rin ang pakikitungo sa kanya ni Ishan hindi na siya masyadong nagtext ,yun pala may gusto na siya kay Yvette.Nalaman niya ito aa kanya ."Ishan may gusto ka pala sa bestfriend ko !sigaw niya"Sumagot ito,"Sorry naguguluhan ako .Im sorry",Tumakbo ito papalayo.
"Hayy nako Georgia Kung sino pa ang tulay siya napala ang mas magugustuhan !" Sabu ni Ivanna.Tumahimik naman ito.Inisip ni Georgia na mas piiliin niya na lang mag aral ayaw niyang masaktan ang kanyang bestfriend ,at pahahalgahan na lang niya ang kanilang pagkaksibigan,sabi niya mas magiging selfish siya kung patuliy niyang iibign si Ishan samantalang si Yvette ay patuloy namang masasaktan.Kaya naman nagparaya itong si Georgia.Isang araw sa sobrang pagod niya sa paglalaba na ksama ang tatay niya,napahinga siya sa kanilang papag.Bigla siyang nanaginip,masaya raw niyang kasama ang kanyang ama na nakikipagkwentuhan ngunit bigla raw itong namatay sa panaginip,napaiyak nalang siya gusto na niyang magising yun pala mulat na mulat napala abg kanyang mga mata,totoo nga.Patay napala ang kanyag ama dahil sa sakit na highbood na biglang umatake sa kanya.Sobrang depressed at stress si Georgia.Bigla namang tumawag itong si Ishan sa kanya."Asan ka "?tanong ni Ishan.Nandito ako sa taas ng gusali ,magpapakamatay na !Pasigaw niyang sagot." Huwag !Papunta na ako riyan."Pigil naman ni Ishan .
Nagsisigaw  sigaw si Georgia roon "Ayaw ko ng mabuhay pa!Nawala na nga yung taong mahal ko .pati ba naman tatay ko!Gusto ko ng mamatay!Sobrang sakit! Nang biglang may sumigaw na ." Huwagggg nandito pa ako.Nalingon si Georgia .Inabot namsn ang kamay ni Ishan kay Georgia at pinababa ito sa kanyang mataas na pwesto."Sorry Georgia nariti na ako dina kita iiwan ,sorry at iba pinili ko,sorry talaga.Narito na ako dadamayan ka at di iiwan pang muli.Wala na kani ni Yvette .Siya na ang nakipaghiwalay sakin.Kaya siya nagkagusto sakin dahil nakiita niya sa ajin ang kanyang pinakamamahal na ex bf.Pagpapaluwang naman ni Ishan .Saka niya niyakap si Georgia.Nagpupumiglas naman itong si Georgia  at pilit na pinapalayo si Ishan.Ngunit di tumigil si Ishan naiyak na rin siya gaya ni Georgia.Alam mo bang labis kitang minamahal at di yun nagbago grabe na tong sakit na nadarama ko.sagot nu Georgia?
"Hindi na kita iiwan at ipagpapalit kailanman .Mahal na mahal kita Georgia ikaw lang ang nag iisang babaeng mamahalin ko ,ang babae sa puting nyebe", sagot naman ni Ishan.At yun nga nagkayos ang dalawa saka sila umuwi sa bahay nila Georgia ,unag araw naman nag lamay ng kanyang tatay at napakaraming tao rooon.Nagkatuluyan naman ang dalawa at nagpatuloy pa sa pag aaral.


Bayaning Ama
ni Gemalyn Ingaran

Kay bait na ama ang mayroon ako
Natatanging asal kami'y magkasundo
Suot ang nakakahumaling na ngiti
At sa pag irog niya'y napawi ang hikbi

Gawaing bahay ay kaniyang inaako
Pagkat wala siyang permanenteng trabaho
Alagang hayop kaniyang inaaruga
At aming mga damit siyang naglalaba

Iniibig kong amay mayroon siyang bisyo
Inom ng alak at paninigarilyo
Subalit katamaran kaniyang winaksi
Gawaing bahay kaniyang inatubili

Kaming mga anak,siya'y "Dakilang Ama"
Lubos siyang minahal,wala ng iba
Lumisan man siya sa puso'y nanatili
Ipinagmamalaki'y amang bayani.


Hiwagang Lambot Sa Tigas Ng Tindig
ni Gemalyn Ingaran

Unang pagkikita puso ko'y nahulog
Nakahuhumaling na ngiti ang handog
Ipinadama ang pag ibig na wagas
Na tila ang bukas ay wala ng wakas

Ngunit ligaya'y panandalian lamang
Pagkat tunay na anyo ay naging hadlang
Sa tigas ng tindig ay pusong kay lambot
Daig pa ang babae sa kaniyang kembot

Ako'y naging sawi at panakip butas
Siya'y nagbalat-kayo naging asal ahas
Pagkat di pala binibini ang ibig
Asam niya'y kapwang lalaking tikas tindig

Siya lang ang diyos ang ganda't kagwapuhan
At ang hari't reyna rin ng kataksilan
At sa wakas hikbi'y napawi sa buhay
Hilom na ang sugat,kami na'y hiwalay.


Friday, February 10, 2017

Walang Iba

                                                       Ang Batang Pasaway
                                                             ni Erica Grace Umipig

Araw-araw sa tuwing papasok sa paaralan si anette ay nagdadala siya ng isang piraso ng damit sa kanyang bag.Pagdating sa paaralan ay ibibigay niya iyon sa matalik na kaibigang si Dolly.Kukunin iyon ni Dolly at iuwi sa bahay nila. Kaya pala nag iipon ng damit si Anette may dadalhung damit para sa kanyang binabalak na pag alis.At balak niya itong lumuwas sa Maynila para makatakas sa kasal na punagkasunduan ng kanyang papa at ng kaibigan nitong matalik para sa kanila ni John Enriquez ay isa pinakamamayamang pamilya sa Cebu.Malalawak na lupain ang pa aari ng mga uto na natatamnan ng saging at ubas.

Kaya gusto nilang mapangasawa si John Enriquez at Anette ay para daw hindi na mapupunta sa iba ang kayamanan ng dalawang pamilya.At si Anette ay hindi sang ayon sa kasalang iyon at mayroon siyang dalawang malalaking dahilan.Una ay hindi niya kilala si John Enriquez,hindi pa niya ito nakikita kahit kailan at kahit sa litrato man lang. Sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa siya at nagmamaster sa pamamahala ng negosyo.
Wala siyang balak na magpakasal sa isang lalakinv hindu niya kilala at hindi niya iniibig.
Pangalawa,mayroon na siyang boyfriend na si William Rodriguez schoolmate niya ito at si William ay isang Geodetic Engineering. Si Anette naman ay nasa Third year palang ng Mass Communication.
Nang sinabi ng kanyang papa an tungkol sa pakikipagsundo nito sa kaibigan,tumutol na agad siya at sinabi niyang may kasintahan na siya pero hindi siya pinakinggan ng kanyan papa.Pinipilit ng kanyang ama na si John Enriquez ang gusto nilan ipakasal kay Anette.
Isang Araw kinausap ni Anette ang kanyang kasintahan sa kanilang paaralan sinabi ni Anette ay"Itanan mo na ako william "at si william ay nabigla.
Darating na si John next week at bibigyan sila ng Welcome Party ng parents niya.Isasabay ang welcome party an announcement ng kanilang kasal.Gusto ni Anette na magtanan sila ni William sa gusto ni Anette. Nang dahil sa pagkabigo ni Anette sa pagkabigo ni Anette ay pinagdesisyonan na lang niyang tumatakas at luluwas ng mayna.Dahil hindi siya papayag na makasal sa isang lalaking hindi nya alam kung saan siya pupunta sa maynila pero iniisip niya ang  mahalaga ay  makaalis sya sa Cebu para hindi mapakasal sa kanya ang lalaking hindi niya naman gusto.
Nang araw na aalis si Anette ay bisperas iyon  ng pagdating ni John buhat sa U.S, ay dinala lahat lahat ni Dolly ang mga naipon niyang damit at gamit sa school nakalagay iyon sa isan bag.
Si Baldeong ang naging kasintahan ni Anette s Maynila siya ay guwapo at may kalikutan sa mga babae iisang bagay na madalas nilang pa aawayan. Kaya lang naman naging kasintahan ni Anette si Baldeogn,ay para mayroon siyang isang taong maaaring malapitan at mahingian ng tulong kung sakali.Nang makarating na si Anette sa isang Appartment ay tahimik ang paligid wala siyang kasama, dalawa ang kwarto ng apartment na iyin na inuupuhan niya dati ay may kasama siya doonsi Vangie pero natanggap ito sa inaaplayang ospital sa kuwait.May nakakabit namang  coanted ads sa gate n apartment pero dalawang linggo na iyon sa gate ay kung bakit wala paring nag aaply.Hindi naman siya naghahanap ng kasama para may makatulong sa pagbabayad ng apartment. Dahil gusto niyang magkaroon ng kasama sa apartment n iyon.
Kinaumagahan may narinug na kalampag sa gate si Anette. Sandalin iyon binuksan niya an gate nakita niya ang isang lalaking nasa harap ng gate .
Napatitig siya dito dahil sa buong buong boses ng lalaki na masarap sa kanyang pandinig. Napakaguwapo at maputi at makinis ang kutis. Mukhan ana mayaman pero hundi naman mababakas iyon sa ayos nito.Isang Lumang T shirt na puti lang ang suot nito at luma ring kupas na maong na medyo hapit sa hita at binti.Naghahanap siya ng natitirhan dahil nakita niya ang isang nakapaskil na ads sa hanao ng gate pero ang gusto ni Anette na makasama a isan babae at hindi lalaki.
Pinilit ng isang lalaki si Anette dahil gusto daw ng privacy ng katahimikan dahil may ginagawa siyang thesis.Siya ay isan Archutecture.Sa  sandalin iyon pumayag din si Anette na patirahin ang isan lalaki sa kanyang apartment.Ang pangala ng lalake ay Melvin.
Pagkalabas ni Anette n gabing iyo sa hairsalon ay bahagyang natigilan si Anette. Nakita niya kaagad si Baldwyn na may aabang na sa kanya malapit s may pinto ng panahon ngunit nilampasa ito ni Anette.Isang Araw nakipaghiwalay si Anette kay Baldwyn.
Pagkaraan ng linggi gustong magwala ni Baldwyn nang makitang lumapit si Anette sa braso ng lalaking iyon at masaya na humakbang patungo sa escalator.Hindi siya naniniwalang agad siyang mapapalitan ni Anette.Malalim na ang gabj nan matapos ang kanilang pinapanuod.
Nang makarating na sa kwarto si Anette ay hindi siya makatulog ilang oras na kasi ang  nasa isip niya ay si Melvin.
Tuwing umag si Melvin lang a nagluluto ng kanilang agahan.
Kinaumagahan kinausap n Melvin si Anette.
"Anette" Sabi ni Melvin n nakatitig sa mata nito ng dahil dun sinabi ni melvin na gusto niya si Anette at sinabi din ni Anette na gusto niya si melvin ng araw n iyon masayan masay si melvin at gusto niyang sumigaw dahik sila na ni Anette. Sinabi ni Melvin ay may dahil na para sundin siya gabi gabi .Pumunta si Baldwyn sa bahay nila Regina at naghihintay siya napaupo siya sa isang sala nakita niya ang isang lumang diyaryo binuklat niya iyon at nakita ang isang larawang iyon biglang kumabog ang kanyang dibdib si Anette ang naroon at nakita niya ang isang laraeang pamagat na " Anak ng multi millionare nawawala ".Nang makita iyon ni Baldwyn gustong makipag balikan ni Baldwyn kay Anette dahil sa ayaman siya at seseryosohin niya ito dahil lng sa pera.
Muling sinulyapan ni Anette ang oras sa kanyang cellphone hindi pa rin dumarating si Melvin .Nang hindi na maintay ni Anette si Melvin ay nagpasya siyang umuwi mag isa at muli siyang natigilan nakita niya si Baldwyn na papalapit sa kanya ng gabing iyon nagprisintang si Baldwyn na lang ang maghahatid sa kanya pero ayaw ni Anette.Nang lumingon si Anette sa parafahan ng dyip ay madamu pang pilq kaya nkisakay na lang siy kay Baldwyn .Nang gabing iyon natanaw ni Melvin si Anette sa kanya .Nakita niyang nag usap ang dalawa at nagkasamang lumakad palayo .Sinundan nya ng tingin ang mga ito at nakita pa niya may makalapit ang dlawa sa isang kotse at sumakay doon .Hindi niya alam kung ano ang iisipin kinakabahan si Melvin dahil alam naman niya wala na sila ni Baldwyn.Agad siyang tumawag ng pulis dahil iba ang kanyang nararamdaman.Kinidnap ni Baldwyn si Anette dhil sa nkita ni Baldwyn ang isang diyaryo na mayaman pala si Anette at anak ng multi millionare .Hindi nakatakas si Anette dahil may nakatutok sa kanyang ulo ang isang baril na hawak ng dalawang lalaki .Natatakot si Anette hindi niya alam ang gagawin niya.May mga pulis na nag aabang na nag checheckpoint sa mga sasakyan .Pagdaan nila sa harap ng dalawang pulis at sumenyas ang isa sa tabi muna ang kanilang sasakyan.At doon sinma ng mga pulis sila Baldwyn at ang kanyang kasamang lalaki .Napatakbo na agad si Anette pasalubong sa kasintahan yumakap siya ng mahigpit at takot na takot akala niya ay mamatay na siya .Pagkaraan ng ilang araw nagyayang magpakasal si Melvin kay Anette .Bago sila magpakasal dadaan muna sila sa cebu .Nang makarating na sila sa Cebu ay natigilan siya nakita niya ang kanyang mama at papa sa mga taong sasalubong sa mga darating.At lalo pa siya natigilan ng makita niya ang mag asawang Mr Mrs Tommy Enriquez ang mga magulang ng lalaking gustong ipakasal sa kanya.Lumakas ang tahip ng kanyang dibdib .Humugpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Melvin.Parang gustong bumalik ni Anette sa loob pero hindi niya na magawa .Nagtatakang napatingin si Anette kay Melvin .Ang totoo palang pangalan ni Melvin ay John Melvin Enriquez siya ung lalaking tinakasan ni Anette nuon .Parang gustong magalit noon ni Anette pero hindi niya kayang magalit kay melvin dahil mahal na mahal niya
 ito.


Muling Pagbalik
ni Erica Grace Umipig

Ako'y may kaibigang lubos ang ganda
Sobra ang bait,pagiging sexy dala
Bagsak kanyang buhok,kay tamis ng ngiti
Pag siya'y kasama,tuwa'y kita sa labi

Kay raming pagkaibat-pagkapareho
Ngunit may pag irog ay iisang puso
Minsan kami ay okey,minsan di bati
Ngunit nagkakaayos sa isang ngiti

Ngunit isang araw siya ay nagbago na
Na para bang hindi mo na siya kilala
Parang bula na bigla na lang naglaho
At huminto sa pag ikot aking mundo

Mananatili si Bes sa aking puso
Balang araw buhay ko ay makukumpleto
At sa kanyang pagbalik ngingiti muli
Lilihom aking sakit pati ang hapdi



Dakilang Ina
ni Erica Grace Umipig

Ikaw ang nagsilbing ilaw ng tahanan
Ikaw ay laging sumusuporta sa'min
Ikaw ay aming sandigan aming inay
Ikaw nariyan sa lahat ng pagsubok

Ilang delubyo man ang darating sa'tin
Hinding hindi mo kami iniiwanan
Hinding hindi mo kami binibitawan
Ika'y hindi sumusuko kahit kailan

 Mahal na mahal ka namin aming inay
Pagmamahal mo ay wala ng katumbas
Kahit ito ay isang kaban ng bigas
Hinding hindi niya ito matutumabasan

Aking ina lumipas man ang panahon
Ikaw din ay akin ng aalagaan
Kahit iyong buhok ay puputi na rin
At mamahalin kita magpakailanman.